Part 20

619 65 2
                                    

COPPER looked at the flash drive in his hand. Ang impormasyong kinakailangan niya para mapabagsak ang Zeltics ay naroon. Allyson or rather Leila gave it to him a week ago bago ito tumungo ng Amerika. Nakipagkompromiso dito kapalit ng maliit na bagay na 'yon. Pinakiusapan siya nitong tulungan si Silver kung sakaling malagay ito sa alanganing sitwasyon.

He actually did it. Di niya sukat akalaing gagawin niya nga. But still, Silver of HYDRA died. At ang tanging naiwan ay ang alias nitong hindi kailanman mabubura sa organisasyon. Alam niyang nagdadalamhati si Paul para sa pagkawala ng isang taong itinuring nitong anak. 

Pakiramdam niya ay mayroong butas sa kanyang dibdib. Naroon ang hinayang, inggit, at relief para sa kapwa-assassin. Panghihinayang sa kakayahan nito. Inggit dahil natapos na ang paghihirap nito. At relief dahil alam niyang kahit papaano'y may nagbago sa buhay nito bago nito lisanin ang HYDRA.

At siya naman? Alam niyang kamatayan ang naghihintay sa kanya kahit ano mang pagbabago sa buhay ang gawin niya. Kaya bakit siya nakatayo roon? Bakit siya nakatayo sa harap ng apartment ni Heidi? Malamang ay dahil sa gusto niya 'tong makita sa huling beses. Babalik na siya ng HYDRA at magiging tuloy-tuloy na ang misyon niya. Balak niyang mag-undercover para tuluyan niyang mapasok ang pinakaloob ng Zeltics at makita ang taong pumatay kay Ayano.

Napansin niya ang paglabas ni Heidi. Bumaba siya ng sasakyan. Ito lang ang babaeng hinayaan niyang malaya siyang makausap. Nakita niya ang kabutihan nito sa loob ng ilang buwang pamamalagi niya sa bansang 'yon. Para itong isang araw sa dilim—maliwanag, bukas, at nakakasilaw. 

Kung kausapin siya nito ay tila isa siyang normal na tao kaya hindi siya nakaramdam ng pagka-ilag sa presensiya nito. Wala itong alam tungkol sa kanya at wala siyang planong ipaalam pa ang bagay na 'yon. Sa huling pagkakataon ay gusto niya lang itong makita at makausap. Di niya puwedeng konsiderahin ang ibang bagay. Ngunit bakit nakakaramdam ng lungkot ang hungkag niyang puso?

"O, Jet!" Ngumiti ang dalaga at kumaway. "Paano mo nalaman ang bahay ko?" Patakbong lumapit ito sa kanya.

"There's always a way. Nagtanung-tanong ako," he said while leaning on the door of his car. "Papunta ka sa restaurant, di ba? Want a lift?"

Ngumiti ito at dinutdot siya sa pisngi habang ngiting-ngiti. "Crush mo talaga ako."

Kamalayan niya na lang ay marahan siyang tumatawa. Bigla siyang huminto nang makita ang pagkatulala nito.

"Normal na reaksiyon ng isang tao. Finally!" anitong tila hindi makapaniwala.

"What do you see me as?"

"First kiss 'ko na naninirahan sa igloo," awtomatikong wika nito.

Muli ay di niya maiwasang mapangiti. Wala sa loob na tumaas ang kamay niya pahaplos sa pisngi nito. "You look tired. Mag-isa ka lang sa apartment mo? Nasaan ang parents mo?"

Ngumiti ito. Pero walang bakas ng saya sa mata. "Nakabakasyon, eh."

Kumunot ang noo niya. "Kailan ang balik?"

"Matagal pa 'yon." Tumanaw ito sa malayo. "Matagal na matagal."

Walang naintindihan si Copper. 

At least she's not alone. 

Di niya alam pero malaking bagay sa kanya ang kalagayan ng babaeng ito. Nang inihatid niya ito no'n sa address na nakalagay sa I.D ay nabaghan siya. She was living in such a tiny space. Obviously mag-isa lang itong nakatira doon kaya naman nanatili si Copper ng ilang oras sa tabi ng dalaga noong naturukan ito ng droga. 

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon