Part 27

560 60 3
                                    

Balisang tinatanaw ni Heidi si Jet habang nagdi-discuss ang panibagong instructor sa paggamit ng baril. Nasa shooting field sila at nakaupo silang mga recruits sa damuhan. Ika-walong araw at hindi siya nilalapitan ng binata. Kinakausap siya nito pero sa paraang hindi na tulad pa ng dati.

Wala na ang sense of familiarity sa pakikitungo nito sa kanya. Di niya alam kung anong nangyari dito. Hindi niya maintindihan. What they had on that moment was like a magic to her. Kissing him felt so good... so right... Pero mukhang ito ang tila natauhan. Waring nadala lang ito sa sitwasyon. 

At nagbibigay 'yon ng di matatawarang insecurities sa puso niya. Mas masakit kaysa sa rejection ng taong nagligtas sa kanya. Bakit ba nakakaramdam siya ng ganoon sa mga taong tila delikado sa buhay niya? Gusto niyang batukan ang sarili. Minsan na siyang nilamon ng buong-buo ng nakaambang panganib. Nawala sa kanya ang lahat. Ang tanging natira ay bakas ng galit at dalamhati at ang natatanging buhay na nakayukyok sa kamatayan. 

Pero pinili niyang kalimutan ang hirap para isalba ang isang buhay. Iyon lang dapat ang nakikita niya, di ba? Na mabubuhay siya para kay Joseph. At walang magiging ibang rason. Kaya bakit nasasaktan siya ng ganoon? Bakit siya naapektuhan ng ganoong katindi?

"Magkakaroon tayo ng return demonstration. I hope na pumasok diyan sa mga kukote niyo ang pinagsasabi ko dito sa harapan."

Inangat ni Heidi ang mukha mula sa pagkakayuko nang ilang mga lalaki ang may bitbit ng kung ano ang nagsitakbo sa harapan. Mga baril ang bibit ng mga ito na nakakabit sa isang stand---M4 Carbine. Inilagay paikot sa shooting field ilang metro ang layo mula sa kanila na nagmistulang satellite.

"May timer ang mga baril. Automatic assault guns. Tatlumpung-segundo. I-asembol niyo ang mga handgun na nasa mesa. Walang magazine. At hindi nakasalpak ang bala. Kung ayaw niyong maunahan kayo, liksihan niya ang galaw at patamaan ang baril bago kayo ang paputukan. Unahan sa buhay at kamatayan." Ngumisi ang hayok na trainer.

Samantalang natilihan naman si Heidi sa puwesto niya. Di makapaniwalang tila isang laro ang training na 'yon. Isang delikadong laro na puwedeng tumapos sa buhay nila sa isang kisapmata.

"This is ridiculous! Paano ang mga taong hindi pa nakakahawak ng baril o wala pang background sa sharpshooting? Balak niyo ba kaming patayin?" agad na alma ni Jet na tumayo mula sa pagkakaupo nito.

"Puwes, kung ayaw niyong mamatay, gawin niyo ang lahat para mabuhay. Itinuro ko ang dapat ituro. Sinusubukan naming gisingin ang survival instinct niyo. Isa itong paraan para mawala ang alinlangan niyo kapag nalalagay kayo sa bingit ng kamatayan. Which is the strong one? Your fear of death or your will to live? Gagawin niyo dahil wala kayong choice. Papasok ang dalawang pagpipilian sa mga mismong sarili niyo. Kung mahina kayo o malakas at matatag ang isip niyo," mahabanang litanya nito.

Kitang-kita ni Heidi ang pagkalukot ng noo ni Jet na karaniwang di niya nakikita sa binata. He was always so composed and emotionless. Nang bumaling ito sa kanya ay hindi naitago sa ekspresyon nito ang hesitasyon, takot, at pag-aalala. Kung ganoon ay concern pa rin ito sa kanya. Napilitang umupo ito nang tutukan ito ng baril ng isa sa mga tauhan. Nahintakutan si Heidi. Napalunok siya dahil wala silang magagawa sa sitwasyong 'yon. Muli ay ramdam niya ang panginginig.

Tumawag ng pangalan sa mga natitirang recruits. Wala sa kanilang dalawa ni Jet. Kumpiyansang humakbang ito sa field. Mukhang may alam ito sa paghawak at pag-asembol ng armas sa pagkakangiti nito. Pagdating nito sa harap, naiiwas na lang ni Heidi ang paningin nang lumipas ang kalahating minuto at isang putok ng baril ang umalingawngaw. The guy was dead!

Tinamaan ito ng bala bago pa nito maitutok ang baril. Ganoon din ang ikalawa na ni hindi nagawang magkasa ng baril. Ang tanging nakagawa ay ang ikatlo at ikaapat. And then Jet was next. Kung ganoon siya ang panghuli. Subalit di siya kinakabahan para sa sarili kundi para sa lalaking ngayon ay naglalakad na sa gitna. 

Was he even use a gun before? Paano kung bigla siyang tamaan ng bala? Paano kung mamatay siya? Nanlamig ang buong katawan ni Heidi sa naisip. Nakakaungos sa hand combat si Jet pero di pa niya ito nakikitang humawak ng baril. Walang siyang kaide-ideya kung may kaalaman ito doon. Hence, talagang wala siyang kaalam-alam dito kundi ang first name nito.

The timer started. Kumilos ito na di bakas ang takot. Mabilis ang mga kamay nito na tila alam na alam ang gagawin. Sa sampung segundo ay natapos nito ang pagbuo sa armas at itinutok ang baril sa isa sa mga assault guns. Tuluy-tuloy ang kilos. Dere-deresto at walang pag-aalinlangan. Pumutok ang baril sa isa. Dalawa. Tatlo. At ikaapat na stand ng baril. Lahat ay tinamaan. Buwal lahat ang armas. What the hell?! He aimed for all the weapons! Jesus Christ!

Sumipol ang instructor at napanganga naman si Heidi. Jet was ridiculously good! Maliksi at maturo ang binata. Mukhang kahit nakapikit ito ay kaya nitong asintahin ang mga assault guns.

"Sorry. I got carried away," simpleng saad nito. Pero wala sa mukha nitong guilty ito sa ginawa. He did it on purpose! Ginawa nito iyon para sa kanya. Para di siya malagay sa alanganin kung saka-sakali. Idinamay na nito ang mga baril na magbabanta sa buhay niya.

Umismid ang instructor at kinuha dito ang pistol. "What a sly move... Next!" sigaw nito.

Kabado pa rin siyang tumayo. Ilang taon na ba ang nakalipas nang huli siyang humawak ng hand gun? May kaalaman siya sa basics pero magiging sapat ba 'yon para di siya maubusan ng oras?

Nagtatakang nasundan niya ang lumayong instructor ilang dipa. At nahindik siya nang itutok nito sa kanya ang hawak na pistol. "Since wala na ang mga armas. I'll be the one to shoot. Sa loob ng tatlumpung segundo, isa sa atin ang mamatay."

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. Anong pinagsasasabi nito? Seryoso ba ito?

"That's nonsense!" sigaw ni Jet.

"Huwag kang makialam!"

Lahat ng tauhan doon ay itinutok ang kani-kanilang mga baril sa binata. Pumuno ang pangamba kay Heidi sa nakita. At nang mukhang magre-reklamo pa rin ang lalaki ay itinulak niya ito.

"Don't! Mapapahamak ka!" aniyang di mapigilang tumulo ang mga luha. "I-It's okay..." Tumingin siya dito na may mapait na ngiti sa mga labi. Kung iyon ang hinihingi ng pagkakataon para maging matatag siya, di niya puwedeng idamay ang binata.

"Heidi..." anas nito. Kumuyom ang mga palad nito. Nag-igting ang bagang. Galit ito. Dama niya 'yon sa panginginig ng mga kalamnan nito.

"Di ako basta-basta mamatay..." pilit na pagbibiro niya pa. Nang tinalikuran niya ito ay naggiritan ang kanyang mga ngipin habang marahas na pinapahid ang mga bakas ng luha. 

Hindi niya mapapatawad ang mga taong ito sa Zeltics! Laruan ang tingin nito sa mga buhay nila. Ngayong binibigyan siya ng pagkakataong tapusin ang isa sa mga ito, bakit siya tatanggi? Mas pabor 'yon dahil di lang ang mga paa niya ang nakatuntong sa lubid ng kamatayan. 

"Thirty seconds, right?" Matapang na tumingin siya sa hayok na nasa harap niya. "Walang sisihan." Poot ang namamayani sa kanya sa mga oras na 'yon. At nakita niya ang alinlangang gumuhit sa mga mata ng instructor.

****

- Amethyst -

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon