Mas gugustuhin niyang mamatay sa pagkahulog kaysa sa mamatay sa mga kamay ng mga taong ito. At walang pagdadalawang-isip na ginawa niya nga—ang kanyang last resort.
Nagpatimbuang siya mula sa kinatatayuan niya. Nasundan na lang siya ng mga nanlalaking mata ng mga ito mula sa pagbulusok niya pababa sa ere. Akala niya talaga ay doon na siya mamamatay.
Ngunit sinuwerte siyang nakakapit mula sa isang sanga ng puno sa ibaba nang mahulog siya. Malaking tulong ang pagiging flexible ng katawan niya although nabalian pa rin siya ng buto dahil sa pressure ng pagkakalaglag niya. Nakaligtas siya lingid sa kaalaman ng mga hayok. Ang unang pumasok sa isip niya no'n ay ang makabalik sa istasyon. Ang ma-i-report ang mga nangyari at makatulong sa kaso.
At ang lugar kung saan inaasahan niyang tutulong ang mga kasamahan niya para mabigyang hustisya ang pagpatay kay Guiller at Mr. Liang ay ang mismong nagbabanta sa kanya para itikom ang bibig. Ibig niyang sakalin ang sarili dahil sa pagiging ignorante niya. Ano pang naging saysay ng pagbabalik niya? Ng pagkakaligtas niya mula sa bingit ng kamatayan? Literal na sumasakit ang dibdib niya sa sobrang galit at frustrations.
When she got inside her second hand Nissan, she stepped on the clutch with tears on her eyes. Ilang minuto pa ay binabagtas niya na ang kahabaan highway. Subalit nang sinubukan niyang magmenor dahil may sasakyan sa harap niya, nanlaki ang mga mata niya nang hindi iyon huminto.
May sumabotahe sa preno niya! Kinakabahang minaniobra niya ang manibela paiwas sa van na babanggain niya. Subalit sumalpok naman siya sa isang poste. Nabingi ang tainga siya sa pagtama ng bakal sa bumper. Sa pagkabasag ng headlights at ng windshield.
Halos mawalan siya ng malay. Sa nanghihinang pakiramdan ay naririnig niya pa rin ang pagri-ring ng cellphone niya. Dama niya ang pagtulo ng dugo sa noo niya. Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa usok.
"Urgk..." ungol niya. Ano mang oras ay alam niyang papanawan siya ng ulirat. Desperadong inabot niya ang aparato at sinagot. "H-hello..." aniya sa mahinang tinig.
"Is this Ms. Heidi Claire Serrano?" anang boses sa kabilang linya.
"Y-yes..." kahit hirap ay sagot niya.
"Are you driving, Ms. Serrano?"
"No." Kababangga lang ng kotse niya.
Napabuntong-hininga ang nasa kabilang-linya. "This call is from St. Luke's Hospital. Isinugod dito ng mga kapit-bahay niyo ang kapatid at mga magulang mo. I am sorry to tell that both your parents died here on the hospital with shots of bullets on their bodies. At ang kapatid mong lalaki ay nanatiling nasa comatose state—"
Di niya na nagawang pakinggan pa ang mga sasabihin nito. Nabitawan niya ang aparato nang sairin ng balitang 'yon ang natitirang lakas niya. Kasabay ng pag-agos ng mga luha niya ay ang unti-unting pagdilim ng paningin niya. Humikbi siya na tila sinisinok. Malakas na umungol at humagulgol. Umiiyak siya hindi dahil sa sakit ng katawan na unti-unti na niyang nararamdaman.
Tumatangis siya dahil pakiramdam niya ay nagkadurog-durog ang kanyang puso. Isa lang ang hinihiling niya ng mga oras na 'yon, na sana ay kunin na rin ang buhay niya. She wished to die quickly then faced God. Then she will blame Him for all her sufferings that she knew she didn't deserve. Iyon ba ang magiging kapalit ng pinaniniwalaan niyang hustisya? Iyon ba ang magiging kabayaran dahil gusto niya lang gumawa ng tama? To hell with justice!
~~~~~~~~~~~~~~
Four years later...
HYDRA Main HQs
"COPPER..."
Inangat ni Copper ang mukha nang makita ang niya ang seryosong anyo ni Paul, ang isa sa mga Lifter ng HYDRA. Kaharap niya ito sa control room ng headquarters.
![](https://img.wattpad.com/cover/231985439-288-k968225.jpg)
BINABASA MO ANG
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomansaCopper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano...