MASAMA ang pagkakatingin ni Copper sa dalawang lalaking natitira. Lalo na sa tarantadong nakaluhod habang sabunot ang babae. It was just a coincidence that he was patrolling the building of Zeltics. Plano na niya sanang dumiretso sa apartment niya pero naagaw ang atensiyon niya ng munting gulong nadaanan niya. Iignorahin na lang niya sana ang mga ito pero bigla niyang inihinto ang kotse nang makilala niya ang babae.
"Release her," kalmadong utos niya. Pinigilan niyang kitlin ang buhay ng tatlo pero di niya alam kung magagawa niya 'yon sa taong nanakit sa dalagang nakilala niya bilang Heidi. Wala siyang ideya kung ano ang ginagawa doon ng babae pero mukhang kailangan nito ng tulong. Mukhang hindi maganda ang lagay nito base sa itsura ng dalaga. Sa pagkakapungay ng mga mata nito, mukhang sinaksakan ito ng droga.
"S-sino ka?" Binitawan ng lalaki si Heidi at takot na napasulyap sa mga kasamahan nitong walang malay.
"Pare delikado 'yang hawak mong s-sandata," anang isa na napapalunok habang nakatingin sa kogatana niya. Nakataas ang dalawang kamay nito habang umaatras.
Copper was not a fool to expose his face with these bastards. May cloak siyang suot na tinatakpan ang kanyang ilong pababa sa kanyang leeg. Sa biglang pagsugod niya ng ilang segundo ay tumumba ang dalawa nang mapadikit sa sandata niya. Ni hindi nakahuma ang mga ito sa bilis ng galaw niya.
His switchblade produced a voltage higher than a stun gun. Si Nitro ang may suhestiyon na i-upgrade ang mga Tanto ilang taon na rin ang nakakaraan. Nakapagligtas 'yon ng maraming buhay ng mga taong hindi niya kailangang patayin. Sanay ang katawan niya sa boltahe ng kuryente dahil sa mga torture na pinagdaraanan ng mga assassins ng HYDRA. His body had the most electrical resilient conductor among them. He was not named Copper for nothing.
"I-I... c-can't... sleep h-here," pag-ungol ni Heidi.
Lumapit si Copper dito at lumuhod. Tinitigan ng ilang minuto. Pagkatapos ay inakay niya ang katawan ng babae pahiga sa kanyang mga hita. Malamig ang pawis na nagsisimulang mamuo sa palibot ng noo nito. Her pupils were dilated. Being drugged maybe felt heaven for an addict.
Pero kung hindi sanay ang katawan at iyon ang unang beses na naturukan ka ng heroin, ang pagka-high ay mistulang impiyerno para sa iba. Like your body was introduced to large doses of potent drugs suddenly without even creating a stimulation so that the nervous system could adjust—the rebound effect. Kabaligtaran ng euphoria na karaniwang nararanasan ng may tama.
"J-joseph... d-di ko puwedeng ma-mamatay..." paputol-putol na wika nito.
Kumunot ang noo ni Copper. Sino si Joseph? Hinawi niya ang buhok nito. Alam niyang nanlalabo ang paningin nito sa mga oras na 'yon. Maaring naaaninag siya nito pero duda siyang makikilala siya nito sa ganoong kalagayan nito.
"H-hindi a-ko puwedeng mamatay..."
"You won't die," anas niya bago tuluyang binuhat ang babae. Isinakay niya ito sa nakaparada niyang kotse. Matulin niya 'yong pinaandar habang nauulinigan niya ang sirena ng sasakyan ng mga pulis. Parang pelikula lang, umeeksena ang mga ito sa tuwing tapos na ang lahat.
Habang umaandar ang sasakyan ay panaka-nakang sinusulyapan niya ang katabing si Heidi. Di niya alam kung saan niya ito puwedeng dalhin. Obviously hindi puwede sa apartment niya. Ibinaba niya ng telang nakatakip sa kanyang mukha. Tiningnan niya ang backpack nito. Inihinto niya sa gilid ang kotse at marahang tinanggal ang backpack na nakasukbit sa likuran ng babae.
Mas mainam na ihatid niya ito sa mismong bahay nito. Pero bigla siyang natigilan, baka usisain siya ng pamilya nito kung sakali. Pero saka niya na proproblemahin 'yon. Ang mahalaga ay maiuwi niya ang dalaga dahil ang magiging pinaka-safe na lugar para dito ay amg mismong tahanan nito. Kung saan malapit ito sa pamilya nito. Sa kondisyong iyon ng babae, dapat ay may magbantay dito.
Nang buksan niya ang bag ay puro damit ang nadampot niya. Nangalkal pa siya at nakita ang personal hygiene kit, towel, bottled water, and her wallet. Pinakialaman niya ang wallet nito. May ilang ID's doon ang babae at doon niya nakita ang address nito. Pero hindi niya sigurado kung iyon ang kasalukuyang tirahan ng dalaga. Di niya naiwasang silipin ang lamang pera ng wallet. Curious siya sa katayuan sa buhay ng babae.
Three-hundred twenty pesos. Iyon ang kabuuang lamang pera ng wallet nito puwera sa ilang barya na nasa coin purse. Explicably, she was not some rich man's daughter. Magtataka pa ba siya? Di ito magpapakahirap sa ilang trabaho kung may kaya ang pamilya nito. Pero ganoon ba talaga kahirap ang buhay nito? Wala bang pamilyang sumusuporta dito? Nakita niya ang larawan ng pamilya nito sa wallet.
Her parents looked decent enough to give a comfortable life to their children. Sa larawan ay mukhang nasa kolehiyo pa lang si Heidi. Kaakbay nito ang isang batang lalaki na nasa anim o pito ang edad. Lahat ay nakangiti. Isang masaya at sama-samang pamilya. Parang may kung anong init na lumukob sa dibdib niya. May kahalong inggit dahil siya ay walang nakamulatang kumpletong pamilya.
Well, hindi ba nga't may mga taong tulad niya na minalas para maging suwerte ang mga pangkaraniwang taong tulad nito? He accepted that he was a sacrifice because his life was wretch. He, himself was a vile. Sinong matinong anak ba ang ni hindi lumuha dahil sa pagkamatay ng kanyang ina? Siya ang labing-isang taong gulang na batang 'yon. Ng mga panahong 'yon, ang eksistensiya ni Reiko para sa kanya ay hindi malinaw. Di naging singlinaw ng ala-ala niya para kay William o ng malaking utang na loob niya para kay Shiratori Ueda.
"Mohi 'iru... Kalimutan mo ang pangalang Jet Larxel Suarez. Mula ngayon, ikaw na si Akira Ueda at susundin mo ang lahat ng sasabihin ko... kung gusto mong mabuhay ng may pamilya at bubong na matutuluyan, lunukin mo ang lahat ng kasinungalingang isusubo ko sa'yo."
Iyon ang mga linya ni Reiko na minsang nagpasulasok sa sikmura niya. Saksi siya sa mga relasyong pinagdaanan ng ina sa iba't-ibang lalaki. Naging isang mataas na hostess man ito ng Ritzuki, di nagbago ang imoralidad nito.
Nang patayin ito ni Shiratori dahil sa pagkakabunyag ng katotohanan, isang mabigat na bato ang tila naalis sa dibdib niya. Handa rin siyang mamatay ng mga panahong 'yon dahil ginamit siya ng sarili niyang ina para makapasok sa buhay ng mga Ueda. Kaya nga ipinakita niya ang sarili niya sa ama-amahan na nasaksihan ang pagkakasaksak kay Reiko. Ninais niyang burahin din siya nito dahil iyon lang ang tanging kabayaran sa pagpapanggap niya.
Sa pagtatatwa niya sa mga ala-ala ni William para mabuhay. But he realized that living with Reiko and her lies was worse than death. Sa murang edad, ginusto niyang matapos ang sariling buhay dahil mali ang naging simula ng pagsibol niya at mali ang mga nakikita ng kanyang mga mata. Binura no'n ang kainosentihan at kaignorantehan ng isang labing-isang taong gulang na bata.
Pero hindi siya pinatay ng taong 'yon. At alam niyang hindi dahil sa natutunan na siyang mahalin nito bilang anak. He was not that nice to end his misery. He wanted him to live with his own guilt fighting the old man's culpability murdering Reiko. At gusto nitong gamitin ang buhay niya para kay Ayano. Nagpatianod na lang siya sa nais nito.
"S-salamat..."
Nilingon ni Copper ang nagsalitang si Heidi. Her eyes were half-close.
Salamat?
Kailanman hindi niya 'yon naringgan sa isang tao. Kahit sa mga naging kliyenteniya o kahit na sinong konektado sa HYDRA. Isa siyang upahang mamamatay-taona hindi dapat pasalamatan. Isang mainit na salita 'yon para sa isang malamigna nilalang na gaya niya. Napabuntong-hininga siya at hinagod ang bato.
Sa kabila ng pananaw niya, parang may isang taling mahigpit na gumapos sa puso niya. Nagpapasikip sa daluyan ng kanyang paghinga at nagpapanubig sa kanyangmga mata. Ayaw na niyang marinig ang katagang 'yon sa kahit na sino. Lalo nasa babaeng kasalukuyang nasa tabi niya.
****
- Amethyst -
BINABASA MO ANG
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
عاطفيةCopper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano...