Gugugulin niya ang lahat ng oras para imbestigahan ang Zeltics. Kilala niya na sa mukha ang kriminal na responsable sa pagkamatay ni Ayano. Pero hindi niya pa rin tukoy kung sino ito. Kahit si Nitro ay walang makitang impormasyon sa taong 'yon.
And it was really rare for him not to find something about a person. Ibig sabihin ay talagang nasa ibang lebel ito. Magaling magtago. Madulas kahit wanted sa mga alagad ng batas sa Tokyo.
"Ano pong order niyo, Sir?"
Pumaling ang mukha ni Copper sa pamilyar na tinig. Umangat ang isang kilay niya nang mabistahan ang babaeng bartender. Again—sa ibang trabaho na naman. Ang pagkakaiba ay hindi na gulat pa ang nakarehistro sa mukha nito kundi iritasyon. Nakasimangot ito na waring ayaw siyang makita o ano.
"So... you're a waitress now? Since when did we meet again?"
Padarag na inilapag nito ang menu sa mesa. "Seven days. Eight hours. Thirty-five minutes and forty-one seconds ago," patuyang wika nito.
"Exactly?"
Umismid ito. "Ang araw eksakto. Ang oras malapit. Ang minuto tantiyado. At ang segundo imposible."
Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi sa narinig. Inilisya niya ang mukha upang supilin ang pagka-aliw na naramdaman niya. Really! This girl was surely something! Baka sa susunod na araw ay isang mascot naman ito sa isang party.
"May nakalimutan kang kunin sa akin." Mula sa bulsa ng apron nito ay inilabas nito ang unat na unat na ilang piraso ng hundred dollar bill. Muli ay padaskol na inilapag nito iyon sa mesa.
Nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin dito. "It's the money for the caviar."
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Anak ng sisiw!" Tinampal nito ang noo. "Hoy! Hindi itlog ng pating ang mga labi ko! Timang na 'to."
"But you said—"
"Galit lang ako no'n kasi unang beses 'yon!"
"Unang beses?"
Namumula ang pisnging nag-iwas ito ng mukha. "A-ang ma-mahalikan."
"Importante ba 'yon sa'yo?"
Kumunot ang noo nito. "Hah! Oo naman. Kaya nga nagagalit ako, di ba?"
Hindi niya masakyan ang ibig nitong sabihin. "First time ko rin 'yon."
"Sinungaling na 'to," bubulong-bulong na nguso nito. "Mukha kang playboy na pinagkakaguluhan ng mga babae. Sinong tangang maniniwala sa'yo?"
"Unang beses 'yon na pumasok ako sa CR ng babae at nanghalik ng estranghera sa loob ng isang cubicle."
Napamulagat ito na tila naeskandalo sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Tinakpan nito ang magkabilang tainga. "Huwag mo nang ipaalala, puwede ba?" Muli nitong ibinaba ang mga kamay at pinakatitigan siya. "May pinagkakautangan ka ba? Bakit mo pinagtataguan ang mga taong 'yon? Mukha ka namang maraming pera. Huwag mong sabihing nasangkot ka sa isang ilegal."
"Wala akong obligasyon na ipaliwanag sa'yo. Ni hindi kita kilala." Binigyan niya ito ng malamig na sulyap.
"Hah! May pagka-conceited ka, huh?" Tumikhim ito pamaya-maya. "H-heidi ang pangalan ko." Inilahad nito ang palad.
Ilang segundong nakaumang lang ang kamay nito dahil di niya maintindihan kung bakit parang nakikipagkilala ito sa kanya kahit mukhang naiinis ito.
"Di mo ba alam ang shake hands? Saang planeta ka ba galing?" Ito na ang umabot sa kamay niya. Nakipag-kamay ng walang paalam. "Ikaw, anong pangalan mo?"
BINABASA MO ANG
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceCopper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano...