Part 6

631 61 0
                                    

PASIMPLENG sinundan ni Copper ang kanyang subject nang pumasok ito sa loob ng isang bar. Kanina niya pa sinusundan ang lalaking pankista na isa sa mga empleyado ng pekeng security agency na iniimbestigahan niya—Zeltics Security Agency. 

Halos limang taon na ring tumatakbo ang ahensiyang 'yon. Mukha lang itong ordinaryong ahensiya sa mata ng mga ignoranteng tao pero sa likod nito ay nagtatago ang mga bulok na gawain ng kompanya.

Apat na taon na ang nakakaraan, isang ubod ng yamang negosyante ang naging biktima ng mga ito. Jinhai Liang—isang Chinese national na namamalakad sa Morph. A big foundation that aided to give medical and surgical assistance on children and people with disabilities. Di niya alam kung nagkataon ang pagkakapatay dito dahil sa koneksiyon nito sa TRIAD. 

Yes. Involved ang matanda sa masasamang gawain ng organisasyon. Illegal organ smuggling—iyon ang lihim ng Morph. Harvesting organ from their victims. Ang mga biktima ay ang mga mismong natutulungan ng mga ito. Pinapalabas na namatay sa gitna ng operasyon ang pasyente. Pagkatapos ay kukunin ang mapapakinabangang mga organs para dalhin sa black market.

Si Tin ang natatandaan niyang frontliner na humawak sa misyon na 'yon sa Hongkong apat na taon ang nakararaan bago napatay si Jinhai Liang. Nabanggit nitong gustong kumalas ni Mr. Liang at buwagin ang Morph. 

Orihinal na malinis na NGO ang Morph nang itatag ito ng mayamang negosyante. Subalit dahil sa pambubuyo ng isang miyembro ng TRIAD, natukso ang Chinese na pasukin ang ilegal na gawain di upang magpayaman. Sa dami ng pera nito ay iyon ang pinakahuling bagay na magiging rason nito kung sakali. 

Ayon sa isang intelligence report, may inborn heart disease ang kaisa-isang anak nitong babae lingid sa kaalaman ng publiko. Hirap makahanap ang inupahan nitong mga doktor ng donor na magma-match para sa pasyente. At kahit ito pa ang pinakamayaman sa buong mundo, hindi nito puwedeng isa-isahin ang buhay na mga tao para maghanap ng magliligtas sa buhay ng anak nito.

Marahil ang illegal business na 'yon ang nakita nitong paraan upang makahanap ng donor. Isang desperadong ama na nakipagkasundo sa mga demonyo para iligtas ang buhay ng anak nito. Subalit nagtagumpay man 'yon, ang buhay at reputasyon nito ang naging kapalit.

Naging malaking problema sa ekonomiya ng iba't-ibang panig ng bansa ang pagkamatay ni Mr. Liang. Bumagsak ang mga negosyo nito dahil sa mga taong nagsamantala sa pagkawala ng matanda.

At ang may sala sa pagkakapatay dito ay hindi ang HYDRA. Kahit na nasa blacklist nila ang matanda, may mga taong nakauna sa kanila sa pagkitil dito. Zeltics Security Agency—isang ahensiya sa maliit na bansa. Class B Mission? Hanggang ngayon ay di pa rin nagsi-sink-in sa utak niya na nasa ganoong kataas na kategorya ang kasong hawak niya. 

Maraming kilalang personalidad at importanteng tao sa buong mundo ang namamatay dahil sa banta sa buhay ng mga ito. The assassination of the previous prime minister of Singapore, the sixth prince in Saudi Arabia, scientists and professors all around the world, and many other killings of influential people. Ayon sa report mula sa HYDRA, posibleng may kinalaman ang ahensiya sa pagkakapatay sa mga taong itinuring na unsolved case dahil sa kakulangan sa mga ebidensiya na magtuturo sa mga tunay na may sala.

Ang mga agent sa Zeltics ay maaaring upahang assassins din tulad nila sa HYDRA. Ang pagkakaiba nga lang ay ang mga ito ang gumagawa ng mga krimen at sila sa HYDRA ang taga-pataw ng parusa sa mga krimeng hindi nagpagbabayaran sa batas. Pero tama nga ba ang hinala ng HYDRA na mapanganib ang ahensiya at maihahanay sa pinakamalalaking krimen sa buong mundo? At konektado ba ang Zeltics sa TRIAD? Mga tanong na masasagot lang kapag naisakatuparan niya ang misyon.

"May mga bago ba tayong recruit?"

Naulinigan ni Copper ang usapan ng dalawang lalaki sa table sa tabi niya. Malakas ang music sa loob ng bar kaya ikinabit niya sa tainga ang bagay na ibinigay sa kanya ni Nitro. Pinihit niya ang sound waves amplifier na mistulang pangkaraniwang wireless earpiece sa kanyang tainga upang mapakinggang mabuti ang pinag-uusapan ng isa sa mga subject niya. 

Nakakasagap ito ng mga distinct resonance at sound waves tulad ng radyo at puwedeng i-focus sa tunog sa paligid niya fifteen meter circumference na gusto niyang mapakinggan. May ilang mga babaeng nasa kabilang table na kumaway sa direksiyon niya pero inignora niya 'yon. Wala siyang panahon para sa mga ito.

"Let's proceed to our original business. May ilang taong gustong makapasok sa Reverse-Section. Ang malaking bayad ay nakukuha lang sa mga delikadong trabaho."

Kumunot ang noo ni Copper mula sa kinauupuan niya. Reverse-Section? What the hell is that?

"Nasaan sila?"

"Maghintay ka ng kalahating oras. Bakit di muna tayo mag-enjoy bago tayo mag-trabaho? Tutal nandito na rin lang naman tayo. Girl hunting muna tayo."

"Anong inginunguso mo diyan?"

"Yong babaeng bartender, pare. Type ko. Parang ang sarap niyang gawan ng masama." Tumawa ng maloko ang lalaki. At nabosesan ito ni Copper. He was the punk guy. Tila kinuryente ito sa pagkakataas ng buhok nito.

Sumipol ang kasama ng pankista. "Wow... a cutie pie. Nakakagigil nga, pare. Mukhang inosente pero maganda."

Awtomatikong dumako ang mga mata ni Copper sa babaeng tinitingnan ng mga ito. If that girl could lure them out, puwede niyang gamitin ang presensiya nito. Ngunit napakurap siya nang lumingon sa counter. Nakilala niya ang bartender. 

Ito rin ang babaeng nasa gasoline station ng umagang 'yon! What a coincidence! Kasalukuyan nitong hinahagis sa ere ang dalawang cocktail shaker at isang bottle mixer na tila isang juggler. Mabilis ang kilos ng mga kamay nito. Naka-skirt ang babae at puting polo na nakatupi sa siko na pinatungan ng itim na chaleco na obviously ay uniform nito. 

Pagkatapos saluhin ang dalawang shaker ng magkabilang kamay ay tuluy-tuloy nitong isinalin ang laman sa cocktail glass. Then sinindihan nito ang lighter at gumawa ng apoy sa ibabaw ng inumin. Paghupa ng apoy ay nilagyan nito ng ice cubes at lemon sa ibabaw ang cocktail drinks.

"My special sea breeze on the rocks!" saad nito. Isinilbi nito ang alak sa mga audience na nagsisipalakpak. Naghiyawan pa ang mga ito.

Ngumiti lang ang babae at nagpasalamat sa mga customers na pumupuri dito. Mukhang maraming talento ang babaeng ito. Iyon ang nasa utak ni Copper na di maiwasang ma-amuse dahil nakita niya ang dalaga dalawang beses sa isang araw sa magkaibang trabaho. Isang masipag na babaeng tila walang oras para sa ibang bagay. Not bad.

"Ano? Lapitan natin? Tapos ayain nating lumabas. Get-together. Makipagkilala at makipagbolahan. All the way, pre."

Tumaas ang sulok ng bibig niya sa narinig mula naman sa mga sinusubaybayan niya. Wala din siyang magiging panahon para aliwin ang mga tulad niyo.

"Kahit gusto ko, mukhang kailangan na nating bumaba sa hide-out. Nandiyan na raw ang mga recruit. Nag-text si Slif."

Muling naging alisto si Copper. Nakita niyang umalis ang dalawa sa mesa. Tumayo rin siya at sinundan ang mga ito. Pinasok ng mga ito ang pinto sa dulo ng corridor sa smoking area ng bar. Nang pihitin niya ang seradura ay di iyon naka-lock. 

Madilim sa loob. Mukhang fire exit iyon. Subalit may hagdan pababa na mistulang isang basement. Tago iyon at kung hindi mo pagtutuunan ng pansin ay di mo makikita. Walang pag-aalinlangan at takot na binagtas niya ang madilim na ground floor.

****

- Amethyst -

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon