Simula"Anemone, inilabas mo na ba ang karneng panghapunan?" Agad nanlaki ang mata ko ng marinig ko yun mula sa taas.
Shit! Mabilis akong napatayo mula sa pagkakahiga sa sofa.
Lagot na naman ako neto kay Abuela.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kusina at dali-daling kinuha ang karneng baboy at inilagay yun sa isang malalim na lalagyanan tsaka pinuno ng tubig.
I need to fucking unfreeze this right now!
"Paano ba to?!" I said in a hurry. "Ahh.. hinahanda ko pa lang po, Abuela." Pagsisinungaling ko.
Kinuha ko lahat ng sangkap na gagamitin para sa menudo.
Napalingon naman ako ng makaramdam ako ng presensya mula sa likuran ko. Nakita ko si Abuela na nakapamewang at taas kilay na tinitignan ako. Mas kinabahan ako ng lumingon siya sa sink.
Lagot na talaga!
"Ngayon mo lang ba yan ginawa?" Striktong tanong niya.
Napabuntong hininga ako sabay tango. What's the point of lying? Nagyeyelo pa nga ang, e.
"Nakalimutan ko po, Abuela." Napakamot ako sa ulo ko.
Bakit kasi makakalimutin ka, Anemone! Yan tuloy.
"Pwes, akin na yung cellphone mo." Inilahad niya ang kanyang palad. Napabuntong hininga ulit ako at inilabas ang cellphone ko mula sa bulsa. Nilagay ko yun sa palad niya. "Isang linggo mo itong hindi makukuha. Ikaw din ang magluluto tuwing agahan ngayong buwan."
Napanganga naman ako.
"Abuela naman! Ngayon ko lang nakalimutan 'to. That's too much!" Angal ko.
Marami kaya akong gagawin tuwing umaga, lalo na ngayong papalapit na ang pasukan!
Kailangan ko pang gumising ng maaga dahil paplantsahin lahat ng uniporme namin, maliligo, mag-aayos para sa eskwela tapos ngayon ako pa ang magluluto ng agahan?
No way! I can't do that!
"Palagi ka kasing nasa telepono kaya nakakalimutan mo." Panenermon niya. "Dalian mo na diyan dahil paniguradong gutom na ang mga pinsan mo." At iniwan na niya akong mag-isa dito sa kusina.
Akala ko pa naman magiging masaya at magaan ang buhay ko sa probinsyang ito!
Yun naman talaga typically diba? Grandmas are the nicest when it comes to their grandchildren pero ibang klase ang lola namin, walang patawad!
Mayaman naman kami, obvious naman sa napakalaking bahay na ito. She's a freaking doctor pero wala talagang planong kumuha ng kasambahay! Driver lang at taga-luto tuwing wala kami at nandoon sa school.
Gusto niya ba talagang alilain kaming mga apo niya? I don't think we're here to learn from her!
Naghiwa nalang ako ng rekados at kinuha ko din ang ketchup na nasa cabinet. Wala naman akong choice diba? Baka hindi pa ako patulogin sa sarili kong kwarto kapag patuloy akong magdabog dito.
"Ako na." Napalingon ako at nakita ko si Statice, isa sa mga pinsan kong nasa puder din ni Abuela.
Binuksan niya ang kalan at inabot ang oil.
"Kinuha na naman ni Abuela yung phone ko!" Sumbong ko.
Sa lahat ng mga pinsan ko, kay Statice ako palaging nagsusumbong kahit na madalas ay walang kwenta siyang kausap. Mas may sense kasi siya kesa sa tatlo ko pang pinsan na nandito.
Saglit niya lang akong sinulyapan at ibinalik ang tingin sa stove.
"That's because you always forget the things she wants you to do and because you're always on your phone." Malamig niyang sabi. "Bring out the beef from the freezer." Utos niya.
BINABASA MO ANG
First and Only
General FictionHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020