Chapter 20
"Doctora Hermosa, I'm not gonna sugarcoat anything. She may not be in critical condition but the impact may damage a part of her brain."
Agad akong nanlumo ng marinig yun.
It's been three hours since that happened. When I got out the car, I immediately went near her. Umiyak lang ako hanggang sa makarating kami dito sa ospital kanina. She was covered by her own blood.
"What else can we do?" Seryosong sabi ni Abuela, alam kong nag-aalala din siya dahil nakikita ko yun sa mga mata niya.
"We need to wait for Doc Elton, siya ang mas may alam sa ganitong kaso. We need his opinion on this pero makakaasa kang magiging okay din ang apo ninyo but in any way, naaksidente na ba siya noon?"
"Yes. Her family had a car accident years ago. She was the only one who only survived but was also severely injured. Especially her head. She had amnesia for eight months."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Abuela. I didn't know about that. I knew her parents died kaya ulila na si Stat pero hindi ko alam na ang dahilan ng pagkamatay nila ay car accident. And she had amnesia!
"Ilang taon siya noon, doktora?"
"She was eight years old." Sagot ni Abuela.
"Kaya pala. The fracture in her skull didn't really heal enough, it can take years to heal a bone. And I think seven years is not enough to heal that fracture. I also found out something." Napatingin ang doktor sa akin at bumaling ulit kay Abuela. "Can I talk to you in private?" Tanong ng doctor sa kanya.
Si Abuela naman ang tumingin sa akin.
"Can you leave first, Anemone?"
Bagsak ang balikat akong tumango at umalis doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta but all I want right now is some fresh air.
I still have stains of blood on my shirt but I didn't mind.
Tumambay ako sa garden ng ospital. Malalim na ang gabi at kung siguro normal lang ito na araw ay kanina pa ako namangha sa kabilugan ng buwan.
Bilog na bilog ito at napakaliwanag but I can't. Wala akong maramdamang kahit katiting na saya at pagkamangha. My heart bleeds everytime I think about how unlucky I am today.
Whenever I close my eyes, the scene where Statice was hit on the head would replay again and again. Kung paano siya makipaglaban dahil sa katangahan ko. Kung paano ko siya niyakap habang papunta kami dito sa ospital at ang mga mukha ng mga drug addict na yun na panay ang hampas sa kotse.
They were caught and I don't know what happened to them right now.
Wala na bang ikasasakit pa ang araw na 'to?
"Anemone!"
Nakita kong patakbong lumapit sila Peony pero ang hindi ko inaasahan ay ang malakas na sampal ni Cypress sa akin.
Both Freesia and Peony were taken aback. Hindi din nila inasahan ang ginawa ni Cy na kahit ako ay nanlamig sa sakit na dulot ng sampal niya.
"Kung hindi kaya ni Abuela na saktan ka, ako kaya ko. Look what you've done, Anemone." Mariin niyang sabi. "Ilang beses ko nang sinabi at ipinaalala sayo–sa inyo na iwasan niyo ang gulo. Tignan mo. Hindi lang palo ang inabot ni Statice! She almost lost her life! Because of what? Because of a stupid girl who fell in love with a dumb guy who left her." Sigaw niya.
Napayuko nalang ako.
Para bang isang uri din ng sampal ang salita ni Cypress. I guess I deserve this. Kasalanan ko kaya tatanggapin ko ang galit niya. Alam kong kasalanan ko at kung maibabalik ko lang ang oras ay sana nanatili nalang ako sa kwarto ko at nagmukmok.

BINABASA MO ANG
First and Only
Genel KurguHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020