Chapter 8
"Ready na ba ang lahat? Have you checked the sound system, the foods?" Tanong ko sa isang officer.
Everything should be perfect! Dapat walang papalya dahil last year na namin ngayon at ang saya ng acquaintance party last year! Dapat hindi kami magpapakabog.
"Positive, Governor." Nagsalute pa siya. "Kakarating lang din ng ibang food stalls. Nakahanda na ang lahat at ten minutes before the party, ich-check na naman ang sound system para maayos na talaga."
Tumango naman ako.
"Stop worrying, Anemone. Everything is going well. And don't tire your voice, magp-perform pa tayo mamaya." Napalingon ako kay Statice na nakaupo lang sa bakanteng silya na malapit sa akin.
Today is our acquaintance party. I am very busy the entire morning and some part of my afternoon. Gusto ko na nga lang umuwi at magpahinga. There were last minute changes and I hated it!
"May dumadating na." Napatingin ako sa orasan at isang oras at mahigit ang dapat hintayin bago mag alas sais. Early birds.
"You should change now." Tumango ako sa sinabi ni Statice.
Pinulot ko na ang bag ko at tumungo na sa comfort room. Nang makapasok ako sa cubicle, agad kong kinuha ang susuotin ko. Wala namang required na attire kaya kinuha ko nalang yung komportable suotin.
I was in the middle of changing when my phone beeped. Shit! Ngayon ko lang narealize, mahigit limang oras ko nang hindi nahahawakan ang phone ko.
Tinapos ko na muna ang pagbibihis bago kinuha yun sa bag.
Miggy:
Hindi ka na nagreply :( Are you that busy? Maaga akong pupunta diyan.
Ako:
Sorry, busy ako masyado.
Agad naman siyang nagreply.
Miggy:
Finally, you replied! I'm sorry, I'm just worried. Kumain ka ba ng lunch?
Ako:
Yes, our driver bought us food. Pasensya ka na talaga, last minute changes happened. Hindi ko na nga nahawakan ulit ang phone ko.
Miguel:
It's okay. Are you tired? Are you still busy? You can text me later or magkita nalang tayo diyan.
Ako:
I'm not busy, nagbihis lang ako for the event. And yes, I am freaking tired pero makakapagpahinga naman ako after this night. I would probably sleep the whole day tomorrow, babawiin ko lahat ng energy ko.
I added a laugh emoji.
Miguel:
I would probably get bored if that happens. That means I can't call you tomorrow then? :( but I understand.
Napangiti naman ako.
Ako:
You don't have plans for tomorrow? Like play video games with you cousins?
Miguel:
Nah. I'm planning to talk to you but if you'll rest then pupunta nalang ako sa kanila.
Until now, hindi ko parin alam kung ano ba talaga kami ni Miguel. We text and we call everyday and that's it. Yun na yun.
Hanggang ngayon din ay wala pa rin akong lakas ng loob na magtanong kung ano ba talaga kami. I'm still confused about what we have. And it gets harder every single day.

BINABASA MO ANG
First and Only
Ficción GeneralHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020