Chapter 29

112 7 0
                                        

Chapter 29

"I'm sorry, I'm late." Napatingin ang pamilyang Remualdez ng makarating ako.

Nagkasakit kasi si Vender at ayaw akong pakawalan kanina kaya late na akong nakaalis sa bahay. May traffic pa dahil rush hour.

Nasobraan siguro sa paglalaro kasama si Cassy kahapon, nagkita kasi sila kahapon sa park.

"My child was not feeling well and doesn't want me to go to work. I'm really sorry." Hingi ko ng paumanhin ng maupo sa bakanteng silyang katabi lang kay Raya.

Pinauna ko na siya dahil ayoko namang mauna pa ang mga Remualdez kesa sa aming dalawa. Lalo lang din akong malalate kung dadaan pa ako sa building namin.

"It's okay, architect. We parents, need to do what we should to do." Ani Mister Remualdez. "I hope you didn't mind, we ordered already."

Saktong dumating ang mga pagkain.

Napalingon ako kay Raya at lumingon lang ito sa akin na para bang may sinasabi pero hindi ko mabasa yun.

"It's okay, sir." I smiled at him.  

"So, what are you up to these days?" Tanong niya nang magsimula na kaming kumain.

Mas mabuti na din sigurong hindi na muna namin pag-usapan ang tungkol sa mall dahil baka mawalan lang kami lahat ng gana. Gutom pa naman ako.

"Just work sir. Wala namang pinagbago." I answered. "How's Cassandra, Diana? Nagkasakit kasi si Vender. Baka magkasakit din si Cassy."

Napalingon si Diana sa akin at kumurap. "S-She's okay naman." Mahinahon niyang sagot.

It's been days since Miguel, my kids, and I went to the amusement park. Dalawang oras lang naman kami doon hanggang sa mapagod lang ang mga bata, I'm not gonna lie, I had fun that day. Para akong bumalik sa pagkabata.

"Mabuti naman kung ganoon. Baka kasi sa park nakuha ni Vender ang sakit, naglaro pa naman yung dalawa kahapon."

"Your kids are playmate too huh." Ngumisi ang matanda.

"Yes, they are. My youngest is really fond of her daughter. They've been playmates since the day we met." Ako na ang sumagot.

The old man smirked.

"That's good. I can already see them as best friends when they get older." Mister Remualdez.

Nagpatuloy pa ang usapan at tahimik lang si Yula pero hindi nakalusot sa akin ang pagsulyap niya.

Puro negosyo lang naman ang pinag-uusapan namin at halos lahat ng yun ay tungkol sa Zimmer Corporation. And of course, hindi ko siya binibigyan ng deretsahan sagot lalo na kapag tungkol kay Statice.

"Let's talk about the project. Kailan mo ba balak tignan ang lupain sa Palawan, Architect?" Ani Yula habang nakataas ang isang kilay.

"Yes, our investors are really demanding the past few days. Kailangan nang masimulan ang mall na iyon sa lalong madaling panahon." Segunda naman ng kanyang ama.

"Actually, I want to tell you sir that we won't take the project." Deretsahan kong sabi at uminom ng tubig. "This is the contract that you sent to our office and I did not sign any of it. I'm sorry."

Inilahad ni Raya ang folder pabalik sa kanila.

Kunot ang nuong tinanggap yun ni Yula at sinuri. Napatingin siya sa kanyang ama at ibinalik ang tingin sa amin.

"What do you mean about this Architect Hermosa?" Matalim ang tingin ni Mister Remualdez sa akin at ang kanyang boses ay mapanganib.

"You can not just back out whenever you like, Architect. Be professional!" Yula hissed.

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon