Chapter 17

110 6 0
                                        


SPG

Chapter 17

"Anemone, iha!" Nakangiting sinalubong kami ni Tita Gladys at agad niya akong niyakap habang hinalikan naman sa pisnge si Miguel.

"Good afternoon po tita. Long time no see!"

"Buti at pinaunlakan mo ang invitation ko! Matagal na kitang gustong makausap. Eto naman kasing si Miguel, mukhang hindi ka pinipilit na papuntahin dito." Ngumuso pa si Tita.

"Sorry po, medyo busy lang po sa school."

"It's okay! Ang importante nandito ka na. Kumusta pala ang Abuela mo?"

"Mom, pasok muna tayo. Medyo pagod kami sa school." Sabi naman ni Miguel kaya hindi ako makasagot agad.

"Oh right! Come in!"

It's been three days since I went home. Kanina ay ginawa ko lahat ng namiss kong quizzes at assignments. Maaga ang dismissal dahil absent ang professor namin sa last subject at sakto namang magkaklase kami ni Miguel doon.

Matagal na daw siyang kinukulit ni Tita Gladys na imbitahin ako na magdinner sa kanila pero dahil busy nga ako noong mga nakaraang araw, hindi ko napaunlakan yun.

"Okay lang naman po si Abuela, busy po talaga siya sa hospital and she's visiting them right now." Sagot ko sa tanong niya kanina habang papasok kami sa bahay nila.

"Yun nga ang sinabi niya noong huli kaming nagkita. Buti naman at pinayagan kang pumunta dito."

"Yes po, nagpaalam ako kay Statice at sabi niya po siya na ang bahala magsabi kay Abuela."

"Nako, buti nalang at suportado ka ng pinsan mo no? Napakabait na bata talaga noon." Gusto kong umangal at sabihing hindi din alam ni Stat kung ano ang meron sa amin mi Miguel pero hindi ko nagawa ng magsalita siya ulit.

"Alam mo iha, palagi kang kinekwento ni Miguel sa akin! Buti nalang at agad kayong nagclick at naging kayo. Alam kong ikaw talaga ang magiging first girlfriend ng anak ko! I can feel it and I'm sure about it!" Kinikilig na sabi ni Tita.

"Mommy, don't embarrass me." Miguel.

"Embarrass? Hindi naman ah. Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado ka ng baliw kay Anemone. Bukam-bibig mo nga siya palagi, kahit dinner! Palaging nalang 'kasama ko si Anemone kanina', 'I and Anemone had lunch.', 'I was with Anemone.' Gusto ko na ngang magselos!"

Agad naman akong napangisi at mapang-asar na tinignan si Miguel. He groaned rolling his eyes.

"Ikaw ah. Alam ko namang baliw na baliw ka sakin pero huwag mo naman ipahalata kay tita" Biro ko.

Napailing nalang siya at sinamaan ng tingin si tita. "Look what have you done, mommy! Palagi na akong aasarin niyan, medyo lumalaki pa naman ang ulo ng baby ko." Ngumuso si Miguel.

Humagikhik naman si Tita at pumalakpak.

"Jusko! Ang cute niyong dalawa!" Kinikilig na sabi ni Tita. "Kahit naguguilty ako dahil hindi ko maamin kay doktora kung ano ang meron sa inyo, okay lang dahil nakikita ko kayong masaya."

Tumawa lang din ako. Ayokong makita niyang naiilang ako tuwing pinag-uusapan naman 'to

"I'm gonna go change my clothes" Hinalikan ako ni Miguel sa pisnge at bahagyang pinisil ang pwetan ko.

I glared at him pero mabilis siyang tumakbo sa taas.

"Alam mo, iha, ngayon ko lang nakitang ganyan si Miguel. Umuuwing energetic at palaging nakangiti." Nakarating kami sa kusina at nakita kong nakahanda ang mga lulutuin ni Tita. "He grew up as a sweet man and a mommy's boy pero hindi siya open sa lahat ng bagay at hindi rin palangiti kagaya mg kuya niya. Hindi din siya palaging nag-aaral pero ngayon, grabe kung mag-aral yan."

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon