Chapter 2

179 8 0
                                        


Chapter 2

"Ate, can you move faster?!" Rinig kong sigaw ni Freesia mula sa baba.

Mabilis ko namang naisuklay ang buhok ko at inabot ang salamin ko na nasa bedside table. Itinapon ko pabalik ang suklay sa dresser at patakbo akong pumunta sa hagdanan habang pilit ding isinusuot ang school shoes ko.

Paanong hindi ako mahuhuli, ako ang nagluto ng agahan namin! Muntik pa akong makatulog sa banyo dahil sa sobrang aga kong gumising para plantsahin yung mga uniporme at wala akong pwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko, nakalimutan ko na naman kasing plantsahin yun kahapon.

Two weeks have passed since our mini vacation sa resort nila Miguel. Dumadalaw parin naman si Tita Gladys dito pero hindi na kasama ang mga anak niya at si Tito Don dahil nasa Manila na siya. 

I kinda forgot about Miguel too dahil naging busy ako sa last week ng art class ko. I focused on my artwork the last few days at ngayon ko ipapadala sa trainor ko para sa mini exhibit na gaganapin sa studio ng trainor ko sa susunod na araw.

Mas marami kasing sumasali sa art class kapag summer at binibigyan sila ng opportunity na ipakita ang mga gawa nilang paintings through exhibits. Every year akong sumasali pero ngayon summer lang ako nag-enroll dahil hindi ako umuwi ng Canada this year.

"Nakuha mo na ba ang baon mo?" Tanong ni Abuela ng makalabas ako ng bahay.

Nakatayo lang siya sa may hagdanan pababa sa nakaparadang sasakyan.

"Yes, Abuela. See you later." I kissed her goodbye before running towards the car.

Agad akong sumakay sa Pajero at umandar naman ito.

Nakarating kami sa school at naghiwa-hiwalay na kaming lima. Hahanapin pa daw ni Cypress, Peony, at Statice ang classrooms nila habang si Freesia naman ay kikitain ang mga kaibigan niya sa canteen.

Agad na may bumati sa akin ng makatapak ako sa corridor ng building. Kilala kami sa buong university dahil active kami sa iba't ibang activities, tsaka dahil na din sa achievements naming magpipinsan.

"Mone!" Napalingon ako ng marinig ko ang pamilya na boses na yun.

"Raya!" Niyakap ko siya ng makalapit siya.

Raya is my friend. Naging kaklase ko siya noong junior high at kasama din kami sa student government noon. Sayang nga at tumigil na siya sa student government ngayong taon.

"Hindi ka parin nagbabago ah, still pretty!" Kinurot niya ang pisnge ko. "Sabay na tayong pumunta sa classroom."

Agad akong natigilan.

"Classmates ba tayo?" Namilog ang mata ko sa saya.

Ngumisi lang siya at agad kong nakuha yun. Tumili kaming dalawa pero bigla ding nahinto dahil pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.

"Hindi mo ba nakita ang listahan ng kaklase natin? Napost yun last week." Hinatak na niya ako papunta sa hagdanan.

"Hindi e, nabusy ako sa painting ko. Nagfocus ako sa pagpipinta na hindi ko na nahawakan ang phone ko ulit."

"Mage-exhibit ulit kayo?" Tumingin siya sa akin saglit.

I nodded.

"Nako, paniguradong bebenta na naman ang gawa mo!" Napangiti naman ako.

"Sana nga, para mas malaki ang makuha ng mga bata."

Ibenebenta din kasi yung mga gawa namin kung sakali mang may gustong bumili at lahat ng kita doon ay ibinibigay namin sa orphanage or sa mental institution, depende sa napag-uusapan namin at ngayong taon ay sa orphanage namin yun ibibigay.

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon