Chapter 10
Lumipas ang tatlong buwan at wala namang masyadong pinagbago except sa naging mas busy ako sa council dahil na din sa nagdaang university week at iba pang events sa school.
Miguel and I? We're still friends.
But we got closer every single day. Kung wala lang siguro akong feelings para sa kanya, I will consider him my boy bestfriend. Palagi pa rin kaming nagsasabay magtanghalian at nagtatawagan tuwing gabi. Hindi ko nga alam paano kami naka-survive, e. Hindi man lang kami naubusan ng topic.
Halos gabi-gabi ba naman magtatawagan? Tapos siyempre nagkikita din kami sa school kaya alam na namin ang mga nangyayari sa isa't isa but nonetheless, I am happy and contented.
Nalilito pa rin ako sa pakikitungo niya sa akin. He acts like a jealous and possessive boyfriend all the time. Yun din ang napansin ni Raya kaya palagi niya kaming tinutukso.
Everyone in the university assumes that me and Miguel are a thing. At parang wala lang naman yun sa kanya. And everytime someone asks me, hindi nalang ako sumagot.
May kumatok mula sa labas at bumukas ito.
"Pupunta daw tayo sa bahay nila Tita Gladys." Si Freesia. "Dahil birthday ni Tita."
Agad lumakas ang tibok ng puso ko. Makikita ko siya ngayon! Ngayon lang ako makakapunta sa bahay nila ulir, we never had the chance dahil naging sobrang busy si Abuela sa hospital.
After that incident few months ago, napansin kong nag-iingat na si Free sa mga kilos niya. Hindi ko na din siya nakikitang kasama yung dati niyang barkada.
"Hmm... may nakalap akong balita." Kilalang kilala ko ang uri ng ngiti niya. Shit! "Totoo ba?" Taas kilay niyang tanong.
Sumimangot ako upang itago ang kaba.
"Totoong ano?" Palaban ko ding tanong.
Ngumisi lang siya.
"Totoo ba?" Ulit na naman niya.
Umiling ako. "Hindi kita ma-gets kaya sabihin mo kung ano ang tinutukoy mo." I rolled my eyes pero hindi sapat yun para mawala ang kaba ko.
"You and Kuya Miguel... you've been playing around for months now. Kayo na ba?" She asked playfully.
Umirap lang ako para magmukhang wala akong paki-alam sa sinabi niya. Dahan-dahan kong iniwas ang tingin ko.
"We're classmates and friends, wag kang malisyosa." Pagtataray ko.
Hindi lang kasi malisyosa itong si Free, chismosa din! Palagi itong may sinasabi tungkol sa lahat ng tao. Mukhang alam nga niya ang lahat issue ng mga estudyante sa school namin.
"Asus! Tandaan mo, malalaman ko din yan." Humagikhik ito bago lumabas ng kwarto ko.
Nagmadali akong mag-ayos. Hindi ko alam kung bakit kinakabahn ako habang naglalagayan ng konting make up.
Narinig ko ang pagtunog ng cellphone kaya lumapit ako kung nasaan yun.
Miggy Calling...
Agad akong napangiti. I answered it.
"Napatawag ka?" Mahinahon kong sabi at inilagay yun sa tabi ng sink kung nasaan ang mga perfumes ko.
"Pupunta daw kayo dito. You're going right?" Napalingon ulit ako sa kanya.
He is topless at mukhang kagagaling lang sa ligo! Hindi ito first time but gosh, hindi ko pa rin maiwasang kiligin.
"Yeah, birthday ni tita ngayon? Hindi mo sinabi kahapon." I pouted. "Tsaka ngayon ko lang din nalaman."

BINABASA MO ANG
First and Only
Ficção GeralHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020