Chapter 11

124 6 1
                                        

Chapter 11

Lumabas ako ng classroom na may ngiti sa mga labi. The past week, I was very inspired kahit hell week namin. Next week will be our prelims kaya panay ang pag-aaral ko.

"Anemone, meeting natin mamaya sa council ah.  Huwag mong kakalimutan." Paalala ng kasama ko sa student government.

"Pwede bang pass muna ako? May gagawin pa kasi ako e. Nandoon naman si Statice, siya nalang ang tatanongin ko tungkol sa meeting. Okay ba yun?" Ngumuso ako.

May date kasis kami ni Miguel mamaya, it will be our first date outside the school ass boyfriend and girlfriend. Ayoko namang palampasin ang chance na maidate siya.

"Sige, sabihin ko nalang kay Ma'am Salomon na busy ka." Ngumiti siya.

"Thank you!" I gave her a flying kiss.

I texted Miguel that I will just wait for him in the cafeteria with Raya.

"Hoy, sabihin mo nga sa akin, ano ang meron sa inyo ni Miguel ha?" Raya crossed her arms. "Ikaw ha, naglilihim ka na sa akin." She pouted.

"Sabihin nalang nating, there is something special between us two." Agad ko namang natakpan ang tenga ko dahil sa lakas ng tili niya.

Ang oa ha.

"Sabi ko na! Sabi ko na!" Parang baliw siyang tumalon-talon. "Kayo na ba?"

I placed my index finger on my lip and winked at her. Mas lalo siyang napasigaw at tinulak-tulak pa ako. Medyo sadista din tong bestfriend ko!

"Ay, meron pala tayong kasama mamaya ah." Agad nagbago ang mood niya, sumimangot siya.

"Sino?" Tanong ko.

Nagpapapadyak siya bago sumagot. "Yung unggoy na crush ko dati! Naalala mo yun? Yung ikinukwento ko sayong kasama namin sa chior?"

"Oh that guy. Yung may pinsan na may gusto sa akin?" I bit my lip when it sounded boastful.

Yun naman kasi ang naalala ko sa kwento niya!

Tumawa lang at tumango. "Pagkatapos akong ipahiya doon sa chior practice namin, gustong sumamang magtanghalian?! Ano siya, hilo?!"

Medyo napalakas ang sabi niya kaya napalingon ang ibang estudyanteng nadadaanan namin. And the usual reaction from Raya, she just hissed at those poor students.

"Oh, crush mo naman pala–"

"Dati nga! Ayoko na sa kanya! Ang pangit niya! Hindi naman siya magaling magviolin!" I can taste the bitterness from her words.

Yan siya palagi kapag hindi niya na crush yung nagiging crush niya. Ang pinakamatagal siguro ay dalawang buwan pero pagkatapos noon ay sisisraan niya na yung guy.

I rolled my eyes. "Okay dating crush mo so, anong problema doon? Baka nga tinamaan na yun sayo. Ayaw mo ba noon? It's your time to shine again!"

Imbis na matuwa ay inirapan niya lang ako.

"Yun na nga e, may nakilala akong bagong guy kaya hindi ko na crush yung lalakeng yun! Tapos ngayon gustong sumabay sa aking kumain? Close ba kami? Friends ba kami?" She blurted.

Being friends with Raya for almost four years now, since I came here and live with Abuela, madali lang talaga siyang kilalanin. Masyado siyang marupok at maraming crush pero kapag nagkaboyfriend, seryoso naman.

"Pero pinayagan mo bang sumama sa atin?" Tanong ko.

Agad siyang umiling.

"Yun naman pala e, bakit problemadong problemado ka?"

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon