Chapter 32
"Hmm... ayos na ayos ah." Puna ni Raya ng makalabas ako sa office. "Magkikita kayo ni papa Miguel?"
"Back with papa Miguel?" I raised a brow.
Matagal ko na ding hindi narinig yan mula sa kanya.
"Well kahit naiinis ako sa kanya, siya pa rin ang manok ko." Nagkibit balikat siya. "So magkikita nga kayo?"
Tumango ako. "Titignan ko yung lugar just to make sure my designs compliments the surroundings." Pagdadahilan ko pero mukhang hindi yun umubra sa kanya dahil nanatili ang mapanuksong ngiti neto.
"Asus, hindi mo naman yan ginagawa noon, hindi ka naman nagpapasama sa partner mong engineer."
"Hindi ako nagpapasama, Raya. He insisted."
"Pwede mo namang tanggihan. Noon nga kinukuha mo lang ang address tapos ikaw lang mag-isa pupunta."
Napapikit ako. Minsan talaga may araw na nakakainis tong si Raya. Kahit anong rason ko, may nasasabi pa rin talaga siya.
"Ewan ko sayo, Raya." I rolled my eyes. "Alis na ako."
"Sige, Architect basta ba gumamit ng proteksyon ah? Dapat after kasal ang baby, medyo maaga pa kung ngayon." Kumindat siya at inikot ang swivel chair.
"Whatever you think, Raya. Aalis na ako. I'll be back in an hour or so." I waved at her.
"Bye, architect!"
Napailing nalang ako at naglakad na paalis.
"Hi." Nakasandal si Miguel sa hood ng kotse niya ng makarating ako sa parking lot. "Ah... Sorry, wala akong dalang flowers. I just came from a meeting and–"
"It's okay, Miguel. Sabi ko naman sayo diba? Hindi mo kailangang bilhan ako ng flowers araw-araw." Tinapik ko anh balikat niya.
"Eh sa gusto ko e." Pagdadabog niya na ikinagulat ko. "Muntik ko na nga matanggal ng trabaho ang selretarya ko dahil nakalimutan niyang bumili!"
Napatawa naman ako. Ang laki niyang tao pero parang bata minsan.
"Gusto kong ikaw ang bumibili ng flowers na ibinibigay mo sa akin. Kung hindi mo magawa, edi huwag nalang. Mas gusto kong ikaw mismo yung bumibili kesa ipinapabili mo sa iba. Tsaka naiintindihan kong busy kang tao."
He immediately froze hearing what I just said.
"O-Okay lang na binibigyan kita ng flowers?" Namilog ang mata niya.
I nodded. "Basta ba walang magagalit. I don't want issues."
"Wala! Wala promise." Tinaas niya pa ang kanang kamay.
"Then okay. Convoy nalang tayo." Binuksan ko na ang kotse. "At mauna ka."
"Okay." Tumango siya. "Bye the way, you look pretty." Kumindat siya at patakbong lumapit sa kotse niya.
Ilang beses akong napahinga ng malalim para mawala ang kilig. Shet! Para akong bumalik sa pagiging teenager! Nu ba yan!
Pumasok na ako sa sasakyan ko at pinaandar ito. Napalingon ako at umatras na ang sasakyan ni Miguel.
Sinundan ko lang ang kotse niya hanggang sa makarating kami sa location. Malawak nga ito.
"Maganda."
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nadismaya ako ng makitang nakatingin siya sa designs ko.
Humaba ang nguso ko. Kala ko naman ako na.
"Maganda ang designs. You're really good." Ngiti niya.
"Hindi pa ito tapos. I still need 3 more designs and it'll be done. Sinimulan ko na din ang facilities." I told him. "In two weeks matatapos na ito."
![](https://img.wattpad.com/cover/232677485-288-k461802.jpg)
BINABASA MO ANG
First and Only
Ficción GeneralHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020