SPGChapter 14
Nang matapos akong mag tanghalian ay agad akong tumungo sa kwarto ko para maligo. Nagpaalam ako kay Abuela na may pupuntahan at pumayag naman siya't hindi na nagtanong.
Napansin ko ngang medyo maluwag si Abuela sa akin the past few months. Nakakagala na ako tuwing gabi but of course with a curfew of nine pm. Maybe because she really thinks that I'm very busy in school dahil last year ko na as high school.
Sumapit ang alas singko ng hapon. Lumabas na ako ng kwarto ko na nakabihis. Nang makababa ako ay nakita ko si Statice na simpleng nakaupo lang sa sofa.
"You're gonna meet him today?" Tanong niya, she is still looking at her phone.
"U-Uh... yes." Bigla akong nahiya.
Alam kong alam niya kung ano ang namamagitan sa amin ni Miguel because she has her own ways to know things about us pero wala lang siyang imik tungkol doon.
"Take care then." Sinulyapan niya ako at agad niya ding ibinalik ang tingin sa cellphone. "Just, don't go home too late."
Tumango ako bago lumabas ng bahay. Nakarating ako sa park ng village namin at napansin kong wala pa roon ang sasakyan ni Miguel kaya dumeretso na ako sa tambayan namin.
"Hey love." I heard someone whispered behind my ear. Agad akong napangiti at lumingon sa kanya. "For you." He handed me a box of brownies.
I told him I don't like flowers dahil hindi ko naman yun madadala sa bahay so he gave me brownies instead.
"You made this?" I raised a brow.
Ngumiti siya at tumango. "It taste better now, hindi katulad ng ibang gawa ko. I finally know the exact measurements and the right taste." He kissed my lips and hugged me.
We've been together for two months now. Isang buwan nalang at sem break na. Wala pa naman kaming plano kung ano ang mangyayari sa sembreak. Baka dito lang kami sa Mindoro dahil napapansin kong medyo busy si Abuela.
Miguel and I usually have our date here pero minsan ay sa resort nila at doon sa bakanteng lote kung saan tanaw ang syudad.
"Thank you, love." Malambing kong sabi.
Miguel gives me gifts every now and then which I don't really like. Feeling ko kasi nagsasayang siya ng pera! Palagi niya din akong nililibre tuwing lunch at nagagalit siya kapag ako ang nagbabayad ng pagkain namin.
"Tara na?" Tanong niya.
"Saan?" Takang tanong ko.
Ang alam ko ay dito lang kami magd-date sa park.
"Gusto kong doon nalang tayo magdate sa Skyhigh." Aniya. "Mas romantic doon." He winked at me kaya napatawa ako.
We made that name. Nakuha namin yun sa isang movie na paborito ko noong maliit palang ako.
"O–kay..." Nagpahila nalang ako sa kanya.
It was a ten minute drive going to our favourite place. He parked his Everest on the usual spot where we can sit at the back and watch the city lights.
Umupo siya sa likuran ko at ako naman ay nakasandal sa dibdib niya.
"Love, mommy knows about us already. Nakita niya ang text mo kagabi. And promise, hindi ko sinadya yun. I was in the kitchen to get something to drink and I left my phone in the garden."
Hindi na ako nagulat doon. Noong unang linggo namin bilang girlfriend at boyfriend, hinanda ko na ang sarili ko kung meron mang makaalam.
"What did she say?" Tanong ko.

BINABASA MO ANG
First and Only
General FictionHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020