Chapter 12

125 7 1
                                        

Chapter 12

"I don't like that Traexon, love." Parang batang nagsusumbong  si Miguel.

Napabuntong hininga naman ako. Simula kasi noong nakasama namin silang magtanghalian, hindi na siya nawawala sa mga mata ko. He is always around even if engineering building is far from our building.

Nalaman ni Miguel yung nangyari sa cafeteria dahil naging usap-usapan yun sa buong university. Kumalat yung sinabi ni Paolo na pagp-planuhan nila ni Trae ang pag-agaw sa akin kay Miguel.

Hinaplos ko ang pisnge niya. My man is really handsome and I just want everyone to know that he is mine and only mine but unfortunately, I can't. Hindi pa pwede.

"I like him but only as a friend, Miguel. Alam mo naman sigurong ikaw ang mahal ko diba?" I kissed the side of his lips. "Ikaw lang ang hinahayaan kong yakapin ako, hawakan ang kamay ko, halikan ako, at kausapin ako kahit sobrang busy ng buhay ko."

Nandito kami sa bakanteng lote kung saan tanaw ang buong syudad. Maaga natapos ang last class ko dahil may meeting daw yung prof namin kaya may oras akong makasama si Miguel bago kami uuwi.

"Kahit na! Akala mo ba hindi ko napansin na panay ang sunod niya sayo? Talagang dinadayo ka pa niya. The audacity!" Nakasimangot niyang sabi.

Dapat ay mainis ako sa pagiging masyadong seloso niya at possesive but I can only feel love and happiness. Paano ba naman, ang cute niya magselos at parang batang nagdadabog.

This feeling is new to me but I am loving it. I do not know anything about being in a relationship but I guess I just need to apply what Statice always tell me, to just go with the flow.

"Alangan namang paalisin ko siya at pagbawalang pumunta sa building natin? That would be rude, you know." Sumandal ulit ako sa braso niya.

Hindi din naman ako kinukulit ni Trae. We smile and greet each kapag nagkikita kami sa school and that's everyday since we had lunch together. Hindi naman niya ako kinukulit kaya okay lang sa akin yun.

"Reject him already! Para matigil na yung gunggong na yun." Pinisil niya ang kamay ko.

Kanina niya pa ako pinipilit na i-reject si Trae. Kanina pa siya naiinis dahil hindi pa rin humuhupa yung usapin na yun kahit tatlong araw na ang lumipas.

"How can I reject him when he is proposing nothing, Miguel? Tsaka hindi pa naman tayo sure na ako talaga ang pinupuntahan ni Trae doon. Huwag tayong masyadong assuming." Kinuha ko yung chips at kumain.

"Tss. Lalake ako, mahal. I know when a guy is trying to hit on a girl and I am positive that he is one of your stupid admirers!" He hissed.

"Don't say that, Miguel. Walang ginagawa ang mga yun kung hindi ang maging mabait sa akin." Panenermon ko kaya agad naman siyang nagbaba ng tingin. 

"Naiinis lang talaga ako sa kanya. Alam niyang tayo na diba? Yun ang sabi mo pero hindi ka pa rin niya tinitigilan!"

Agad naman akong napatawa.

"Miguel, are you threatened?" Pilya akong ngumiti at tumayo para harapin siya.

"Threatened? Of course not!" Agap niya. Defensive masyado.

"So, bakit ka naiinis sa kanya? Sa lahat ng estudyenteng lumalapit sa akin, bakit sa kanya lang?" I crossed my arms and raise a brow at him. 

"For your information, naiinis ako sa lahat ng lalakeng lumalapit sayo pero iba yung Traexon..." Bumuntong hininga siya. "Raya told me he is your type of man. Ganoon daw ang mga naging crush mo at masyado akong iba sa kanya! Di hamak na mas gwapo naman ako at macho pero yun daw ang mga tipo mo." He pouted that made me laugh, hard.

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon