Chapter 25

120 7 0
                                        


Chapter 25

"Good morning, Architect." Bati ng isang worker na nakasalubong ko.

I gave him a small smile and greeted him back. I don't usually go easy and friendly on our workers. Kilala nila ako bilang seryoso at distant na architect.

"Architect Hermosa." Pormal na salubong ni Freesia. "It's nice to see you again after two weeks of being mia."

Sa nakalipas na taon at sa dami ng nagbago, isa doon ang pakikitungo ni Freesia sa mga tao. She's become more serious. Lalo na sa trabaho.

Nandito ako ngayon sa itinatayong bagong bodega ng Zimmer Corp. This one will be bigger than the other storage buildings. Dito dadalhin ang mga nalumang machineries na ginagamit sa manufacturing.

"Good morning, Miss CEO. Glad to see you here too. Akala ko patay ka na din katulad ng kambal. And don't tell me I've been going mia dahil kayo itong hindi sumasagot sa chat at messages ko." I spatted.

The audacity ha!

Tumawa siya. "I reply kaya."

"Yeah and you decline a lot too." Inirapan ko siya at kumuha ng hard hat.

"Tss. Busy ako sa kompanya okay?" she rolled her eyes. "Yang mga imbitasyon mo kasi palaging biglaan."

She has a point though. Minsan nakakalimutan ko kasi kung kailan ako may libreng araw kaya late ko na sila nasasabihan at madalas ay hindi talaga sila pwede. Kulang na nga lang magpa-appointment ako sa kanilang apat.

"Whatever. How's Miss President? Tinatawagan ko yun pero palaging hindi available. Humihinga pa ba?" Referring to Statice.

Every month nagkikita pa naman kami. Dahil yun ang gusto ni Abuela. We see each other every fifteen and thirty of the month at sa mansyon kami ni Statice nagkikita. Well, we all live in the same subdivision but all of us are very busy kaya madalang lang kaming nagkikita.

"I see her sometimes during important meetings." Kalmadong sabi niya. "She has been travelling a lot for business. She arrived from Morocco yesterday at humihinga pa naman."

"Pagsabihan mo yun, masyadong nilulunod ang sarili sa trabaho." Mailap ko ding nakikita si Statice.
Sometimes, hindi siya nakakadalo tuwing nagkikita-kita kami.

Malaki talaga ang pinagbago niya simula noong nagpunta siya sa Russia. She's very cold and distant all of a sudden but I can't blame her for that. Sa laki ba naman ng responsibilidad na ipinatong sa ulo niya.

"Bakit ka napadalaw dito?" Tanong ko.

Minsan ko lang siyang nakikita sa mga ganitong pagkakataon. Hindi naman kasi siya dumadalaw sa construction.

"I need to check the area before going to Mindoro." She crossed her arms.

"Bakit ka pupunta sa Mindoro?"

Matagal-tagal na din noong nakauwi kami doon. Two years na siguro. Dumadalaw lang kami kapag gustong umuwi ni Abuela doon at dahil lahat kami ay nagiging busy na, hindi na kami nakabalik.

"Abuela wants me to check all the hospitals there. She's leaving for Russia the whole month. I need to cover for her again."

Aside from being a CEO of Zimmer Corp, siya din ang pumapalit kay Abuela sa Hermosa Medical Center kapag umaalis ito papuntang Russia.

Hindi na hands-on si Abuela sa HMC, she hired people to keep the hospitals running pero kailangan pa rin ng konting pansin at si Freesia ang gumagawa noon kapag wala si Abuela.

"Hindi ba pwedeng sa iba nalang ipagawa yan? You have a company to manage. Mahihirapan ka niyan." Lahat kami ay malalaki ang responsibilidad na hinahawakan.

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon