Chapter 40

184 7 0
                                        


Chapter 40

Hindi ko maiwasang manginig habang hinihintay na lumabas ang doktor mula sa operating room. Tatlong oras na din kaming naghihintay dito.

Kasama ko si Miguel, Abuela, and the girls.

Kasama naman ng mga anak ko si Raya sa bahay ni Statice.

Miguel took care of Yula. She's in jail right now at sisiguraduhin kong mabubulok siya doon. Buti nalang at mabilis ang kilos ng attorney namin at magaling din siya.

Walang sino man ang gustong magsalita. Abuela woke up minutes after she passed out. Nagpahinga siya ng dalawang oras bago sumunod dito kanina.

It took another hour before the doctor went out. It was like a deja vu. It was like eight years ago but Miguel was with me now.

"Kumusta po siya?" Agad na tanong ko.

"The operation went well. Magpasalamat nalang po tayong hindi malubha ang tama niya. Nakuha na din po ang tatlong bala. We just need to wait for her to wake up within sixteen hours para malaman na maayos na po talaga ang kalagayan niya. She will be delivered to her room in awhile."

Lahat kami ay nakahinga ng maluwag. Napasalampak ng upo naman si Freesia sa upuan.

"Thank you doc." Sagot ni Abuela.

"She's okay now." Niyakap ako ni Miguel. "She's safe now." Bulong niya at hinagod ang likod ko.

She saved me again. How can I deserve her second life like that? Pangalawang beses na siyang muntikang mamatay dahil sa akin and I can't help but blame myself.

Halos kalahating oras din akong umiyak lang sa balikat ni Miguel.

Freesia and Peony decided to go home kasama si Abuela at babalik nalang bukas. While Cypress stayed in the room. Naihatid na din si Statice at hinihintay nalang naming gumising siya.

"Nakakastress ang love story niyo." Napalingon ako kay Cy. She wasn't looking at us. She was staring at Statice.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Pangalawang beses na to." Mahina niyang sabi. She looked stressed. "I just hope your relationship is worth her life. Baka malaman nalang namin naghiwalay kayo at lahat ng isinakripisyo ni Statice para sa inyong dalawa, masasayang lang."

"I will not let that happen." Direktang sagot ni Miguel.

"Yeah right. You told me before you wouldn't hurt my cousin but you still did." Hilaw na ngiti ang ibinigay ni Cypress at umiling.

"Mahal ko siya."

"Ngayon." Mabilis na bwelta ni Cypress. "Paano bukas? Sa makalawa? Ten years from now? Twenty?"

"Cy..." Pabulong kong pigil sa kanya.

"Alam kong mali ang ginawa ko noon at gagawin ko ang lahat para makabawi."

"Gawin mo yan, hindi lang kay Anemone pero kay Statice din. Dahil sa relasyon ninyo ni Anemone, si Statice ang maraming nagawa." Agad akong naguluhan sa sinabi niya. "Alis na ako." Tumayo siya. Kinuha ang bag niya at dumeretso sa labas.

"She really hates me." Miguel whispered.

"She's just angry. Ganyan yan kapag galit at nag-aalala. She's really rude and straightforward. Kahit anong sabihin natin ay may panangga siya at sisiguraduhin niyang 'di tayo mananalo." Mahinahon kong sabi.

"I think I deserve that too. May gusto ka bang kainin? Wala pa tayong lunch. Kain muna tayo. I'll buy you food."

"W-Wala akong gana." Mahina kong sagot at uminom lang ng tubig.

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon