Chapter 7Hindi ako pumasok sa last two subjects ko dahil marami kaming dapat tapusin para sa acquaintance party. Isang linggo na at gaganapin na yun.
"Ready na ba ang catering?" Tanong ko sa secretary ng ABM. Siya kasi ang naka-assign doon.
"Yes, Mone." Tumango siya. "Pinapasabi nga pala ni Miss Salomon na pwede kayong magpractice sa music room."
Tumango ako at ibinalik na ang tingin ko sa mga kailangan kong pirmahan na parents consent. Gabi kasi yun gaganapin kaya kailangan ng ganito.
We accepted their request na magp-perform kami sa party na yun. Tatlong kanta ang napagkasunduan naming magp-pinsan at nakapag-practice na din kami.
"Anemone, nasa labas ang prince charming mo." Pasigaw na sabi ng isang officer kaya nagtilian naman ang iba naming kasama.
Hinubad ko ang salamin ko at tinignan ang pinto. Hindi ko makita kung sino dahil nakasara ito.
Prince charming?
"Sino?" Tanong ko, nagtataka.
"Aba, sino pa ba? Si Miguel! Ayieee!" Ani ng bakla.
Agad akong napatayo at nagmadaling lumabas. Napailing ako ng makita ko si Miguel na may dalang pagkain. Nag-angay siya ng tingin at ngumisi sa akin.
"Hi." He winked at me. "Nasaan ang salamin mo?" Nakasimangot niyang tanong.
I rolled my eyes. Siyempre, pakipot muna.
Napansin kong gustong gusto niyang nakikita akong nakasalamin at ewan ko kung bakit.
"Nasa loob tinanggal ko muna. Bakit ka pala nandito? Wala ka bang klase?" Tinanggap ko ang inabot niyang tubig at brownies. "Alam mo, magkaka-diabetes ako neto."
Sa nakalipas na linggo, he became sweeter every single day. He buys me food and became clingy. Marami na din ang nakapansin noon kaya agad na kumalat sa buong university.
"Last class ko na yun kanina. I asked Raya kung nasan at sinabi nga niyang nandito kayo, I just want to bring you some snacks. Huwag kang mag-aalala magtatanim ako ng insulin plant kung may diabetes ka na." Sinapak ko siya kaya tumawa naman ang loko. "Kainin mo yan para hindi ka magutom, okay? Or you want me to buy something else?" He smiled.
That smile. That freaking smile!
"Wag na. Okay na to. Thank you. Dapat hindi ka na nag-abala pa, nagsasayang ka talaga ng pera." I bit my inner cheek so suppress the kilig I'm feeling.
Ang pabebe ko talaga!
"That's nothing actually. Tsaka si mommy naman ang gumawa niyan at hindi ko yan binili, yung tubig lang. Marami pa ba kayong gagawin?"
Mahina akong tumango. "I needed to sign a lot of consent forms para maibigay na bukas sa students."
Laking gulat ko ng abutin niya ang kanang kamay ko at bahagya yung pinisil na para bang minamasahe.
"Gusto mo pumasok?" I coughed.
Shet! Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Pinagtitiningan na din kasi kami dito sa labas. Nakakahiya! At lahat ng matang nakatingin ay nakikitaan ko din ng kilig. Nagbubulongan pa ang iba at obvious na kami ang pinag-uusapan.
We are making a freakin scene just by him massaging my hand!
Binitawan niya ako. "Hindi na. Dad and kuya are at home, may early dinner kami with my grandparents so I need to go home early. Can you message me when you're done? May kasama ka bang uuwi?"

BINABASA MO ANG
First and Only
Ficción GeneralHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020