Chapter 1
"Oh my! This is what I need!" Excited na bumaba si Freesia sa sasakyan ng makarating kami pribadong resort nila Tita Gladys.
Kagabi lang ay naimbitahan nila kami na pumunta dito to hangout. Habang inaayos kasi ang bahay nila, dito na muna sila namamalagi. At dahil malapit na ang pasokan, pumayag naman si Abuela.
We need this. Feeling ko kasi hindi na kami makakapag-enjoy kapag nagsimula na ang klase just like the past years. Bahay-School-Bahay lang ang palaging routine namin kapag may pasok.
"This is a great asset. What a beautiful place." Komento ni Abuela ng makababa din siya at tinanggal ang sunglasses. And usual, hawak niya ang malaking pamaypay at suot ang malaking sun hat.
Sunod na bumaba si Peony na nakahawak na sa phone niya at binibidyuhan ang magandang lugar.
Huling bumaba si Statice na para bang walang interes, bored itong nakapamulsa. Napailing nalang ako at sinundan ang sumundo sa amin.
Inayos ko ang salamin ko. Hindi naman malabo ang mata ko, gusto ko lang talaga magsuot ng salamin.
"Doktora!" Kumaway si Tita Gladys na nakatanaw sa patio ng beach house. "Welcome to our temporary home!" Sumalubong si Tita ng makalapit kami at binigyan ng yakap si Abuela.
Binati namin siya at bumati din naman ito pabalik sa amin at niyakap din kami isa-isa.
"Nag-i-ihaw ang mga boys. Habang ang mga girls naman ay nasa gazebo, inaayos ang tables at ibang pagkain natin." Aniya habang papasok kami sa bahay nila. "Punta muna tayo sa guestrooms para mailagay niyo na ang mga bags ninyo and so you can change too."
"We brought fruit salad and buko pandan, tita." Nagsalita si Freesia. "Saan po namin ito ilalagay?"
"For dessert!" Singit ni Peony na nasa likuran ko lang.
Si Peony at ako ang gumawa ng fruit salad habang si Freesia at si Cypress naman sa buko pandan. Si Stat? Tulog pa noong gumawa kami. Humila nga at hindi siya ginising ni Abuela.
"Oh, this will be very good para mamaya.." Tinanggap ng katulong ang dala naming dessert.
Iginaya kami ni Tita sa mga kwarto at agad naman kaming nagbihis. Kasama ko si Peony at si Freesia sa isang kwarto at si Statice, Abuela, at Cypress naman sa kabila.
I am wearing a green one piece backless swimsuit. Si Peony naman ay neon pink na tube top one piece swimsuit at nakamaong shorts. Habang si Freesia, maroon two piece at naka active shorts.
I didn't mind taking off my glasses since wala naman akong planong maligo.
Sabay kaming tatlo na lumabas at nakita kong nasa labas na din sila Abuela. Cypress is wearing her rushguard and spandex while Statice, she's wearing a red two piece pero naka shorts din.
Sa aming lima si Statice ang pinakasexy at toned ang katawan. Mas malaki din ang boobs niya kesa sa akin kaya feeling ko talaga ang unfair ng world!
"Nandito na pala sila." Nakangiting sabi ni Elise. "Hali kayo guys!" Tawag niya sa amin.
Agad naman kaming lumapit sa kanila. Their gazebo isa just near the pool. Malaki din ang pool nila at malinaw pero mas excited ako sa tubig dagat.
Nakahanda na din ang lahat ng pagkain, except for the grilled meat na ginagawa pa nila Tito Don, hindi kalayuan dito.
"Maligo na tayo!" Excited na sabi ni Freesia habang hinahatak si Peony.
"Nagsunblock na ba kayo?" Napalingon ako kay Abuela.

BINABASA MO ANG
First and Only
Fiksi UmumHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020