Chapter 31
The next days, I was like a turtle in work. Halos wala nga akong nagawa. My mind was left that night.
Noong gabi ding yun, umiyak lang ako ng umiyak habang niyayakap ang mga anak ko. I felt that pain again, yung sakit na pilit kong kinakalimutan noon.
Masakit pa rin pala. Stupid me.
Akala ko, okay na e. Akala ko wala na. Wala na akong pakialam at nakalimutan ko na siya pero bakit masakit pa rin? Bakit naaapektuhan pa rin ako?
"Anemone." Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Raya na may dalang pagkain. "Kanina ka pa diyan, alas tres na!" Kahit masigla ang boses niya ay halata ang pag-aalala doon.
"Thank you, Raya." Tinanggap ko nalang ang pagkain.
Napatingin ako sa maliit na note sa ibabaw noon.
I'm sorry, love.
Araw-araw ay alam kong siya ang nagpapadala ng pagkain ko. Sa mga notes palang ay alam ko nang siya. "Nagkausap na ba kayo?" Umupo siya sa upuang nasa harapan ng mesa ko.
"Yes. Kailangan. He'll be my partner sa project ko with Sunfire Corporation." Pag-amin ko. Napabuntong hininga naman siya.
"Yun lang ba ang pinag-usapan niyo?" Seryoso niyang tanong at napahalukipkip.
Ako naman ang napahinga ng malalim.
"He... he asked for a second chance." I bit my lip and held my pen tighter without looking at her.
"Oh tapos? Binigyan mo?"
Agad akong umiling.
"Nagkausap kami noong gabing yun but it was just... I told him about how I feel. He apologized and asked for a chance. And I don't understand why I am willing to give that to him, Raya. Hindi ko talaga maintindihan. Bakit gusto ko siyang bigyan 'nun? B-Bakit nararamdaman ko pa rin to? Wala na dapat diba? Wala na e. Matagal na yung tapos. Naka-move on na ako."
My tears began to fall again. Ilang araw na din akong umiiyak kahit anong gawin kong pagpigil. Tuwing naalala ko yung sakit, bumubuhos talaga ang luha ko.
Our relationship may lasted in a short period of time but my love for him wasn't shallow. It took me years to finally say I moved on tapos eto, umiiyak na naman ako. Nakakatanga.
I can't accept that my heart still beats for him. Yung akala kong malaya na ako sa pagmamahal na yun, hindi pa rin pala.
"Oh, Anemone." Tumayo si Raya at agad akong niyakap.
"Bakit ganito, Ray? Dapat wala na to." I sobbed leaning to her chest.
"Gago talaga yung Dela Cuesta na yun e! Pinaiyak ka na naman!" Tinapik niya ang likod ko. "Maybe because you didn't really forget him... Nasanay ka lang na itago ang nararamdaman mo sa kanya so that you'd feel fine. Sa nakikita ko ngayon bestfriend, mahal mo pa rin siya e." She whispered.
I didn't really forget him. Siguro.
I forced myself not to remember him years ago. Ginugol ko ang oras ko sa pag-aalaga kay mommy at sa pag-aaral. Kailangan kong gawin yun para maging matatag sa mata ni mommy, kailangan kong gagawin yun para magmukhang okay. She was weak and in pain at kung sasabayan ko yun ay baka lalo siyang ma-depress at baka pati ako kay problemahin niya pa.
I kept everything to myself. Wala akong pinagsabihan dahil wala naman na akong naging kaibigan doon maliban kay Traexon at pati sa kanya ay inilihim ko din.
The pain. My heartbreak. My feelings for Miguel. I kept it inside me and now that he is back and trying to pursue me again, my feelings for him is coming back too.

BINABASA MO ANG
First and Only
Ficción GeneralHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020