Chapter 5

135 8 0
                                    

Chapter 5

Maaga akong lumabas sa klase ngayon dahil ipinatawag ako ni Miss Salomon, ang head ng council na adviser din ng buong student government.

"I'm sorry I'm late." Pormal kong sabi ng makapasok ako sa loob ng conference room. Nandoon na halos lahat ng officers at nakita ko din si Statice na simpling nakaupo lang kasama ang officers ng Grade 11.

"It's okay, Anemone kakasimula lang din namin." Nakangiting sabi ni Miss Salomon. "As I was saying, gusto walang theme ang acquaintance party ng Senior high since it's a vogue right now. Very common naman kasi yung bohemian, old Hollywood, at yung mga na-i-suggest ng head. A simple but fun party would be nice, kailangan lang ng magaling na DJ at magagandang palamuti para naman hindi magmukhang boring ang party."

Lahat naman ay nag-agree sa sinabi niya. Na excite tuloy ako, alam kung marami ang dadalo noon kasi marami ang nababaliw sa tiktok.

"Kailan po ba tayo magkakaroon ng acquaintance?" Tanong ng Vice governor ng TVL.

"Three weeks from now. Ayoko namang patagalin pa dahil makakaabala yun sa sportsfest at University week." Miss Salomon.

That's enough time for us to prepare.

"How about the guests? Sino po ang invited para magperform and how can we have the budget for everything?" Tanong ng isang kasama din namin.

"We already have the money, a hundred thousand. That's from your fees. Ang kailangan nalang nating gawin ay kung paano natin i-b-budget ang pera." Miss Salomon.

At yun nga ang pinag-usapan namin. We had a hard time budgeting the money dahil kasali na doon ang pagkain and designs. Buti nalang at pwede naming hiramin ang mga gagamitin para sa tugtugin doon sa music room.

"And may request ang principal ng senior high." Napalingon ako kay Miss Salomon. Nakatingin siya sa akin at tsaka tumingin kay Statice. "She wants the Hermosas to perform too." Nahihiya niyang sabi.

Agad akong napangiwi. Ang dami ko na ngang kailangan gawin, gusto pa nilang pagp-perform-in kami?

"Ay! Katulad po noong fiesta ng Puerto Galera?!" Excited na sabi ng isa.

"Yes, alam naman nating lahat na medyo kumalat yun sa buong Mindoro at dahil lahat kayo ay nasa senior high na, pwede bang mag perform kayo? Kahit dalawang kanta lang."

Agad akong napasandal sa upuan ko. Tumingin ako kay Statice at lumingon din siya sa akin. She shrugged and I know, ako na naman ang gusto niyang pagd-desisyonin.

What they're talking about is the presentation we did last year. Naimbitahan kasi kaming magperform noon sa Miss Puerto Galera. Naikwento kasi ni Peony sa crush niya noon na minsan ay nagj-jamming kaming magpipinsan at lahat kami ay magagaling sa instrumento, kaya inimbitahan siya ng crush niya na magperform at agad naman itong pumayag kahit hindi pa kami kinakausap.

Kaya napilitan kaming magperform noon. I was the vocalist, Peony did the piano, si Statice sa drums, si Freesia sa bass, tsaka si Cypress sa electric guitar.

"Pwede po bang sabihan ko muna ang mga pinsan ko?" Nag-aalangang tanong ko. "We can't really decide right now."

"Actually, tinanong ko si Freesia at si Peony kanina. Silang dalawa kasi ay under ko, and pumayag naman sila pero kung yun ang gusto mo sige! Sabihan niyo lang kami ahead of time." Ngumiti si Miss Salomon.

"We should pick the songs you're going to play in the party, most of the songs other students like are really explicit."  Ang malamig na boses ni Statice ang bumalot sa buong room.

"That's right. Baka kalagitnaan ng party natin, ipatigil yun ni Principal." Ani Shamcy. Vice Governor ng Humss.

"Take care of that matter the, now we should talk about the flow of the party and the security since it will be at night." Miss Salomon.

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon