Chapter 13

101 8 0
                                        

Chapter 13

"Saan ka na naman pupunta?" Agad akong kinabahan ng marinig ang boses ni Abuela mula sa aking likuran.

"May pagbibigyan lang po ako, Abuela. Don't worry, hindi ako aabot sa curfew. Kasama ko din si Miguel." I smiled sweetly to cover how nervous I am.

Ganito ako palagi kapag tinatanong niya ako kung saan ako pupunta at kung sasabihin ko namang kasama ko si Miguel, hindi na siya nagtatanong pa at pinapayagan nalang akong umalis.

Ang alam niya ay matalik na kaibigan ko lang si Miggy at mukhang okay lang naman yun sa kanya. Well, he knows Miguel and his family kaya siguro ganoon.

"Go home before 8." Seryoso niyang sabi. "You've been going out nonstop for the past months. Hindi na ako natutuwa."

Agad naman akong tumango at hinalikan siya sa pisnge. Halos manginig pa ang kamay ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Statice told me you have a meeting in the council today. Hindi ka sasali?" I froze when I heard that. "Narinig ko din na palagi ka nalang late sa meetings niyo at minsan ay hindi ka na dumadalo. Ano bang nangyayari sayo?"

My throat immediately went dry. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung ibigay na rason dahil kahit ako ay alam kong napabayaan ko na ang tungkulin ko sa council.

"I was really busy with prelims, Abuela. That's why I sometimes forget about the meetings. Babawi nalang po ako sa kanila, naging busy lang po talaga ako." I smiled weakly.

"I hope you do that. Don't waste the chance other students gave you when they voted you. A lot of students strive hard to be in your position. Don't disappoint us." At tinalikuran na niya ako.

I immediately felt guilty. I was very busy with a lot of things, prelims, my painting, dating Miguel. Unti-unti kong narealize kung gaano kahirap ibalanse ang pag-aaral, ang council, at ang paging mabuting girlfriend.

Bagsak ang balikat na tumakbo ako pababa ng hagdanan. Nahirapan pa ako dahil medyo malaki ang regalo ko para kay Miguel.

It is a 3D painting of us. It's our first picture together and it was in the Acquaintance party. Si Raya ang kumuha noon, we were dancing and we look very happy. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang ireregalo ko sa kanya. Kaya noong naaalala kong gusto niya ang mga likha ko, I made something for him.

Halos dalawang linggo ko na din itong ginawa ng patago. I work inside my bathroom dahil kung sa art room ako gagawa, paniguradong makikita yun nila Abuela. Sinabay ko ang pag-aaral para sa exam at ang paggawa neto kaya nakalimutan ko na yung mga meeting namin sa council. Tatlong meeting din ang hindi ko napuntahan at dalawang meeting akong nalate.

"Taray, bihis na bihis ah. May date na naman kayo ni Kuya Miguel?" Kinikilig na sabi ni Peony.

Umiling lang ako at nilampasan siya.

"Use protection!" Hindi makapaniwalang napalingon ako kay Freesia. Kumindat lang ang bruha at kumaway.

Umiling nalang ako.

Matagal na din nila akong kinukulit na umamin kung ano ang meron sa amin ni Miguel and as always, I always deny it. Minsan naman ay hindi ko na sila sinasagot. Pagod na din kasi akong magsinungaling.

Today is our first monthsary. Hindi ko alam kung ano ang pakulo ni Miguel pero sabi niya, doon nalang kami sa park magkita. Hindi niya din sinabi kung saan kami pupunta dahil surprise daw.

Ang dami talagang alam.

Nakarating ako sa park at agad kong nakita ang ang sasakyan niya. Nakatalikod siya kaya agad kong tinakpan ang mga mata niya. 

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon