Chapter 27

110 7 0
                                        


Chapter 27

"Architect." Napalingon ako. "Ipinabibigay po. Gwapo po yung manliligaw niyo architect ah!" Humagikhik si manong.

Inabot niya sa akin ang isang paper bag kaya tinanggap ko naman ito. May laman itong pagkain at medyo mainit pa.

"Kanino galing?" Tanong ko kahit alam ko naman kung sino. Para makasiguro lang.

Hindi ko naman kasi inutusan ang kasambahay ko na padalhan ako ng pagkain at hindi ko din sinabihan si Raya. Imposible namang si Traexon, kuripot yun e.

"Hindi po sinabi e. Sabi lang po kumain daw po kayo at huwag magpalipas ng gutom. Ayiee! Architect nobyo niyo na po ba yun?"

"Nobyo? May asawa si architect kuya!" Depensa ng kasamahan ko.

Napaangat ang isang kilay ko.

"Wow! Kahit talaga alam nilang may asawa ka architect, hindi talaga tumitigil no?" Panunukso ng isang kasamahan naming engineer. "Ano ba yan, architect. Wala na ba talaga kaming pag-asa?"

Nagtawanan sila.

"Loko ka! Hindi papatol si Architect sayo hoy!" Bulyaw ng isang interior designer. "May asawa na nga si architect e!"

"Gwapo din naman ako architect! Ako nalang!" Parang batang pagmamaktol niya kaya nabatukan siya ng isa pang kasamahan namin na katabi niya.

"Hindi ko to manliligaw." Naghiyawan ang iba naming kasamahan na para bang nakahanap ng pag-asa. "Tsaka gusto mo bang isumbong kita sa asawa ko?"

Agad silang tumigil at sabay-sabay pang umiling. Sa lahat siguro ng mga nakatrabaho ko, sila lang ang hindi natatakot sa akin. Kapag break time na, napakakulit nilang lahat.

"Wag naman po! Nakita ko yun e, wala akong laban sa kagwapuhan noon."

"Yuck! Nababakla ka na naman Juan!"

"Salamat." Sabi ko nalang sa nagbigay. Agad din naman itong nagpaalam sa amin at naglakad paalis.

"Kailan ba nauubusan ng manliligaw yang si Architect?" Nagsalita naman si Tanya, ang partner ko sa project na 'to. She's the head engineer.

Tinignan ko muli ang report ng bagong project namin. It's lunch time but I need to finish reading the adjustments they did the past month.

"The sexiest, prettiest, and most talented architect in our country!" Biro pa ng engineer. "Pinag-aagawan talaga."

"Tumigil na nga kayo at magpatuloy kumain." Sita ko at inirapan sila.

Kahit birthday ko kahapon, napagpasiyahan kong magtrabaho agad. May pinag-iipunan kasi akong leave. Gusto kong matapos ang mga trabaho ko bago magbirthday si Vender at si Lily.

Both of them are born in the same month kaya I scheduled a leave ahead of time lalo na dahil gusto ni Lily na pumunta kami sa Siargao. We planned to have a vacation there for one or two weeks.

Nang matapos kong basahin yung reports ay kinuha ko na ang pagkain mula sa paperbag at may maliit na note pa itong kasama.

Eat well, baby!

I rolled my eyes. Gusto ko sanang itapon pero sayang naman kung hindi kakainin. Basta ba hindi siya magpapakita sa akin at manggagago na naman, ayos lang. Problema niya na kung mag-aaway silang mag-asawa dahil sa mga kalokohan niya.

"Wow! Pare may pa-baby si Architect!" Hiyaw ng isang junior at nag-apir pa sila ng katabi niya. "Isumbong kaya natin kay Engineer Gomez? Pabugbug natin yan."

Mukhang nakita ang note na nakadikit sa Tupperware.

"Wala na! Finish na talaga! Ang sakit naman sa puso architect!" Nagdrama pa ang isang kasamahan namin.

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon