Chapter 3"Oh this is beautiful! Gusto ko ito. Ikaw ba ang gumawa, iha?" Isang matandang lalake ang nagtanong ng makalapit siya sa gawi ko. May kasama siyang dalawa pang matatandang babae.
"Yes, Mr. Santillan. She made that. This is my student, Anemone Hermosa." Proud na sabi ni Sir Tee, yung art teacher ko.
"And who would not know a Hermosa." Ani ng matandang lalake. "This is a one is really beautiful. Bagay ito sa sala namin!" Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"I want that in our second floor, Arnaldo. Sa tapat ng hagdanan." Sabi naman ng isang ginang na katabi niya. "What do you think?" Tanong niya sa isa pang ginang.
"Mas maganda nga yaan sa second floor." The other woman agreed. "It will compliment the wall."
"Nabenta na ba ang obrang ito?" Tanong ng matandang lalake kay Sir Tee.
"Nabenta na po, Mr. Santillan." Agad akong napalingon kay Sir Tee.
Nabenta na? Bakit hindi ko man lang alam?
"Oh..." Dismayadong sabi ng matanda. "Maganda sana. It will look great in our new home."
Tipid lang akong ngumiti. Hanggang sa lumipat na sila sa ibang painting.
"Nabenta na po yan, Sir?" Tanong ko kay Tee.
"Oo! Noong nagbukas tayo, agad ding nabenta." He excitedly said.
"Sino po ang bumili?" Kyuryos kong tanong.
"Tanongin ko si Greta mamaya. Basta ang sabi niya ang likha mo na naman ang unang nabenta." Ngumiti siya.
Tumango nalang ako.
I saw Peony and Cypress looking around. Sila lang ang kasama ko ngayon dahil si Freesia, may audition sa dance troupe habang si Statice naman, kasama si Abuela at may pinuntahang mahalagang meeting.
Yesterday was a boring day for me. Nakasama pa rin namin si Miguel kumain ng lunch kahapon pero dahil wala naman kaming magkaparehong subject, isang beses ko lang siyang nakita.
At dahil absent ako ngayon, hindi din kami magkikita. Ugh.
"Hey, Ate!" Napalingon ako at nakita kong papalapit na si Peony at Cy.
"May nagustuhan ba kayo?" Tanong ko.
"Walang pumasa sa taste ni Cy kaya, wala. Nabobored na nga ako, e. Can I go buy some food?" Ngumisi siya pero si Cypress ang nilingon ko.
Nagkibit balikat lang siya kaya tumango nalang ako.
"Bumalik din kayo agad. Buti pa, magpasama nalang kayo sa driver."
"Okay!" Parang bata niyang sabi at nagsalute pa.
Napailing ako. She's hopeless.
Una silang tumalikod kaya umalis na din ako doon. Sa gilid lang ako tumambay, malapit sa ibang estudyante. Kanina pa din ako tayo ng tayo. Gustuhin ko mang umuwi ng maaga, hindi pa daw pwede.
Wala naman kasi akong kaibigan sa klase, I am really serious when it comes to doing my art pieces.
Napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Kinuha ko yun mula sa bag at tinignan ang message.
Unknown Number:
Your piece is beautiful.
Napakunot naman agad ang nuo ko.
Ako:
Who is this?
Hindi umabot ng isang minuto at nagreply agad. Wow, fast reply ah.

BINABASA MO ANG
First and Only
Fiksi UmumHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020