Chapter 36
Nagising ako na masakit ang ulo. Tatlong baso lang naman ang ininom ko kagabi pero hindi ko talaga kinaya!
Nandito ako ngayon sa mansyon ni Statice at nag-inuman kami kagabi. As usual si Peony na naman ang nag-aya. Hindi na nga ako nakauwi sa bahay ko dahil bigla nalang akong nalasing.
I reached for my phone on the bedside table and found a lot of messages and e-mails.
Napailing nalang ako ng makitang halos lahat ng mga emails ay galing sa media.
"Why the fuck are they bugging me as if I am a freaking celebrity?! Nakakainis." Bulong ko at sumubsob sa unan.
"Duh you're the one running the biggest firm in Asia, what do you expect?"
Agad akong napaangat ng tingin at napaupo sa kama. I saw Freesia leaning on the wall with her PJ's.
"Why are you there?" Bumalik ako sa pagkakahiga.
"Malakas ang tama ng Emperador sayo ah." Tumawa pa ang gaga. "Magtatanghali na oy, ang mga anak mo gutom na." Napabalikwas ulit ako ng upo at dali-daling tumayo.
Of course! My kids! Wala palang yaya dito.
"Shit!" Nagmadali akong tumakbo palabas at narinig ko naman ang pagtawa ni Freesia.
"Good morning mama ko!" Napahinto ako ng makita si Lily na simpling nakaupo lang sa sofa. "I want waffles and strawberry please."
"Where's your brother?" Tanong ko at hinintay siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa kusina.
"She's with Tita Statice in the garden. Tapos na po siyang magbreakfast, Tita Cypress fed him po."
"Bakit hindi ka sumabay sa kanila kumain?" Kinarga ko siya upang makauwo sa highchair.
"I waited for you to wake up. Tagal mong magising e." She pouted.
"I'm sorry, love. Mama got drunk last night. Dapat ginising mo nalang ako." Hinalikan ko siya sa nuo bago binuksan ang ref para kumuha ng ingredients.
"I tried but you're really asleep, deep sleep. Hindi nalang po kita inisturbo." She replied. "I want milk too, mama!"
Agad kong kinuha ang freshmilk at nagsalin sa baso. Agad niyang ininom yun ng mailapag ko sa island country.
I mixed some ingredients to make waffles and sliced some strawberries. Breakfast lang ata ang alam kong gawin. Kapag ibang putahe na, hindi ko na alam.
"Mama! Morning!" Napalingon ako at nakita ang anak kong si Vender na karga-karga ni Statice.
"Good morning, baby ko!" Kinuha ko siya at hinalikan sa pisnge. "Amoy milk ka ah."
"Milk is yummy." He giggled. "Waffles?" Tanong niya ng makita ang waffle maker.
"Yes, waffles. You want waffles too?" Paglalambing ko.
Umiling siya. "I'm full. You want waffles? Eat ka po waffles?"
"Yes, eat kami ni Ate mo ng waffles. Baba ka muna ah? Mags-slice na muna si mama ng fruits." At ibinaba ko na siya. "Gusto mo ba yun?"
Agad siyang tumango. Inabutan ko siya ng strawberry at agad naman siyang tumakbo papunta sa sala.
Napalingon ako kay Statice at nakaupo na siya sa island counter habang kumakain ng dark chocolate.
"Gusto mo?" Ipinakita niya ang chocolate.
"It's too early for chocolates." Pagtanggi ko.
"Tss. It's dark, healthy to." She shrugged and continued eating.
BINABASA MO ANG
First and Only
قصص عامةHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020