Chapter 26"Happy Birthday, mama ko!"
Nagising ako dahil sa malakas na sigaw na yun. I opened my eyes and Lily's lips immediately showered my whole face with kisses.
"Happy Beeday, mama!" Umakyat na si Vender sa kama at agad akong niyakap.
I chuckled when Lily went to the other side of my neck and nuzzled there.
"Ang ganda naman ng morning ni mama. Ang mga babies ko agad ang nakita ko." Niyakap ko silang dalawa.
"Let's eat breakfast na po! I helped nanay cook breakfast." My Lily giggled and pulled me out the bed.
Agad namang sumunod si Vender at inalalayan ko ng makarating kami sa hagdanan. Dahan-dahan ang pagbaba namin dahil sa maliliit na paa niya.
"Happy Birthday!" Agad akong napatingin sa dining area at nakita ko si Raya at si Trae. "Ang pangit mo pala kapag umaga!"
Agad akong napasimangot kay Trae.
"Buti nalang at hindi nagpatuloy yung feelings ko sayo. Kung magiging mag-asawa tayo, yang mukhang yan ang palaging makikita ko. Tsk. No way!"
Inisang hakbang ko ang pagitan namin at sinuntok siya sa dibdib.
"Kay aga-aga, nang-iinis ka ah! Buti nga ako sa umaga lang, ikaw araw-araw!" Siniko ko pa siya. "Bakit kayo nandito?"
"Bored kami bakit ba?" Trae.
"Tumahimik ka na ng diyan, Trae. Huwag mong sirain ang umaga ni Anemone at baka lasunin ka niyan mamaya."
"Tama! Tama!" Ako.
"Ako lang sana ang pupunta dito ng maaga since gusto kitang tulongan sa pagluluto at pag-aayos pero nakita ko ang mokong sa grocery store kanina."
Napatingin naman ako sa orasan. Alas nuwebe na pala ng umaga.
"Anong ginagawa mo sa grocery store?" Tanong ko kay Trae.
"Nagpabili si buntis ng ingredients ng spaghetti. Yun daw ang regalo niya sayo."
Agad namang nawala ang inis ko at napalitan yun ng excitement. Fatima cooks the best spaghetti.
"At iniwan mo siyang mag-isa doon sa condo niyo?! Alam mo bang mahirap magluto ng spaghetti?!" Muntik ko na siyang batukan pero nagsalita si Lily sa likuran ko.
"Tita Fatima will cook spaghetti?!" Mukhang pati ang anak ko ay excited din.
"Nandoon ang kapatid niya at ayaw niya akong makita kaya pumunta nalang ako dito. Huwag kang mag-alala. Magb-breakfast lang ako at aalis din dahil may aasikasuhin sa trabaho." Kinarga niya si Lavender at pinaupo sa hita niya. Habang si Lily ay katabi ni Raya.
Nagsimula na kaming kumain pero napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang kasambahay.
"Ma'am, may tao po sa labas. May ibibigay daw po sa inyo."
"Ako na ang lalabas." Presinta ni Trae at tumayo. Karga pa rin si Lavender.
Sinubuan ko nalang si Lily at hinayaan na si Trae.
"Mama, pupunta pa rin po ba ako sa birthday ni Cassy? Can I not go? Babies lang naman ang meron doon e." Ngumuso si Lily.
Kahapon pa ako kinukulit niyan. Ayaw niya talagang pumunta.
"Pwede naman anak pero si Vender lang mag-isa doon e, hindi kasi makakapunta si mama since magp-prepare pa si mama ng foods para mamaya sa dinner natin. Pupunta dito ang mga tita mo. Walang magbabantay sa kanya doon."

BINABASA MO ANG
First and Only
Ficção GeralHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020