Chapter 18
"Miss, pwede makiupo?"
Napatingala ako at nagulat ng makita kung sino yun.
"Anemone?"
Napaawang pa ang bibig ko bago ako nakapagsalita.
"T-Traexon." Nagulat ako ng makita siya. "Bakit ka nandito?"
I'm in Manila at sobrang unusual na makita siya dito.
Nandito ako sa canteen ng ospital, kumakain. Nasa kwarto ni mommy ang lawyer na mag-a-asikaso sa divorce papers nila ni dad.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap ang tatay ko. I just don't want to talk to him.
Agad akong nagpasundo sa helicopter nila Tita kagabi at nagpahatid dito sa Manila dahil dinugo daw si mommy at dinala nila dito sa ospital. It's been two weeks since the day I went home in Mindoro at tatlong beses na din akong nagpabalik-balik dito sa Manila.
The first time was when mom had a mental breakdown, sobrang natakot ako noon para sa baby pero agad din naman siyang kumalma noong nakarating ako. The second time, dalawang araw daw siyang hindi lumalabas ng kwarto at hindi kumakain.
"Dito na confine ang lolo ko. He had a heart attack the other day. Pwede bang maupo? Wala nang bakanteng seat e." Napalinga naman ako at totoo nga.
Marahan akong tumango.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.
"My mom almost had a miscarriage." Mahina kong sagot. Hindi pa ako nakakatulog kaya wala akong lakas makipag-usap.
"Oh, sorry to hear that. Ayos na ba siya?"
Tumango ako. "The baby is strong and she's doing fine. Medyo stress lang dahil gustong makipagdivorce si daddy."
Hindi ko na alam kung bakit gusto kong magkwento. Baka sakaling kahit konti man lang ay mabawasan ang bigat sa puso ko.
"A-Anemone..." Hinawakan niya ang kamay ko.
Napayuko ako at pilit pinapakalma ang sarili ko. Ayoko nang umiyak. Ayokong umiyak sa harapan niya.
"And she wants me to leave and be with her in Spain pero ayoko, Trae." Naramdaman ko nalang ang mainit na yakap niya.
And this is what I need right now. A shoulder to cry on pero hindi ko magawa sa iba dahil hindi naman ako sanay.
"Kaya ba palagi kang absent? Hindi na kita nakikita sa campus..." Tanong niya ng mahimasmasan ako.
Hindi siya nagsalita noong umiyak ako. Niyakap niya lang ako at pinakalma.
"Yes." I nodded.
"Alam ba 'to ni Miguel?"
Umiling ako.
"My plan is to study in Harvard and be with him. Kung saan siya, susunod ako. I am ready to follow him, kahit saan man siya magpunta. Pero ang hirap mamili sa kanilang dalawa ni mommy. Ang hirap."
Ang gusto ko lang naman ay makasama ang mahal ko pero bakit may hadlang? Bakit kailangang may hadlang doon?
"Gagawin mo talaga yun?" Napangiwi siya. "Talagang susundan mo siya kahit saan? Ganyan mo siya kamahal?"
I nodded.
"Damn, ang swerte niya naman." Umiling siya. "Pero dapat siguro malaman niya ang sitwasyon mo, Anemone. Baka sakaling magbago ang isip niyang doon mag-aral at baka ikaw naman ang sundan niya sa Espanya."
BINABASA MO ANG
First and Only
Ficción GeneralHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020