Chapter 4

143 9 0
                                        

Chapter 4

I woke up smiling.

Me and Miguel had a long talk over the phone last night, hanggang sa nakatulog kaming dalawa.

He added me on Skype kaya doon na kami nagvideocall. Sayang din kasi ang load at tsaka gusto niya daw akong makita! Akalain niyo yun, my crush wants to see my pretty face!

"Pwede bang kumain ka nalang?" I snapped back to my senses when Freesia threw a tissue paper at me. "Para kang tangang nangingiti, ate."

Tumawa si Peony. Si Cypress naman ay umiling lang.

We are having our breakfast and as usual, mia na naman si Statice. Masama daw ang pakiramdam sabi ni Cy kanina noong kinatok namin siya.

"Bakit? Bawal ba maging masaya? Bawal na bang ngumiti ngayon?" I hissed.

Umirap siya bago sumagot. "Pwede naman pero bawal ang ngumiti habang tinititigan ang baso, mukha kang may sayad sa utak."

Napaawang naman ang bibig ko.

"Hoy, ate mo pa rin ako ah! You should respect me! Gusto mo bang isumbong kita kay Abuela?" Mukhang hindi naman natakot ang gaga.

"Anong isusumbong mo sa kanya? Na tinawag kitang baliw? Kung sasabihin ko ang dahilan, paniguradong sasang-ayun lang siya sa akin." She said confidently.

"Huwag na kayong magsagotan, let's just eat in peace." Hindi na ako nakapagsalita ng inunahan ako ni Cypress. "I'll just bring some food in Stat's room." Tumayo na siya at pumunta sa kusina.

"Bakit ba may sakit si Stat? Okay naman siya kahapon noong umuwi sila ni Abuela ah." Kuryos na tanong ni Peony.

Nagkibit lang ng balikat si Freesia.

"She came home tired. Dahil siguro sa ginawa nila Abuela kahapon o baka nahawaan lang sa ospital na pinuntahan nila." Yun nalang ang naisagot ko.

Madali talagang mahawaan yun ng sakit. Halos buwan buwan nga may sakit yun e.

Natapos kaming kumain at agad na akong naligo at nagbihis. Nang maisuot ko na yung sapatos ko ay narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya nagmadali akong lumapit sa dresser.

Miguel:

Good morning! I just woke up.

Hoooly shiit! Kinikilig ako! Pero bakit ngayon lang? Thirty minutes nalang at magsisimula na ang first class namin.

Ako:

Morning din.

Siyempre, pakipot muna! Ayoko namang ipahalata na interesadong interesado ako sa kanya.

Narinig kong tumunog na naman yun pero inayos ko muna ang bag ko. Baka kapag pinatagal ko, baka may maiwan akong gamit.

Miguel:

See you in school. Sabay tayong maglunch.

Ako:

Sure :)

Agad kong inilagay ang cellphone ko sa bulsa ng saya ko. I went out my room at mukhang nasa baba na sila lahat dahil wala ng maingay sa mga katabing kwarto ko.

When I went downstairs I saw Cypress, nakaupo lang siya sa pang-isahang sofa habang nakasandal ang ulo.

"Is Stat going to school?" Tanong ko.

Umiling siya. "May lagnat siya kaya hindi muna." Tumayo na siya at nauna pang makalabas ng bahay.

Himala at walang Abuela na nakatayo sa hagdanan ngayon at tinatanaw kami papaalis. Maybe because she's tired too.

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon