Chapter 34

103 6 0
                                    


Chapter 34

Days have passed like a blur.

Alam na ni Miguel kung ano ang meron sa amin ni Traexon. What's the real score between us and he was happy! Akala ko magagalit siya dahil niloko namin siya but nah, he was delighted knowing that I'm not really married.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Napalingon ulit ako sa paligid at nakita kong nakatingin pa rin ang lahat sa amin.

I pulled him to sit again.

"Hindi ko siya asawa okay?" Marahas akong napahinga. "That's his wife. We were never married. Kailangan lang naming gawin yun dahil para wala nang manligaw sa akin dahil nakakarindi."

Nakita ko siya napapikit ng mariin. "So... You don't have any relationship with him?"

"Friends. That's the only relationship I have with him." Naiilang pa rin ako dahil nakatingin pa rin ang mga tao sa amin. "Damn. You made a fucking scene, Miguel!" Pabulong pero mariin kong sabi.

Napatingin ako kay Raya at nagpipigil na ito ng tawa.

"Shit! Yes! Simula ngayon ay manliligaw na ako sayo. And you can't stop me!"

At yun nga ang ginawa niya. He visit me sometimes in my office and bring whatever he can bring at dahil doon ay nachichismis na kaming dalawa. I fucking hate it.

Halos araw-araw na talaga kaming nagkikita dahil madalas din naman ang meeting namin patungkol sa project namin kay Mister Chui.

"Hi love!" Napalingon ako.

I rolled my eyes and sighed  "Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Pagtataray ko.

Hindi man lang nahiya sa ibang empleyado ko, talagang ipinanlandakan ang pagmamahal niya sa akin ah.

"Binibisita ka, as usual. For you." Ibinigay niya sa akin ang dalang paperbag.

Hula ko ay pagkain na naman ang laman.

Napalingon ako sa paligid at nakita kong agad nag-iwas ng tingin ang ibang empleyadong nakatingin sa amin.

"Ang gwapo talaga ng manliligaw ni Architect no?" Narinig kong sabi ng isa. 

"Pero may asawa na yan diba? Kilala ko yan, isang sikat na engineer. Mula sa DLCST Construction."

"Ay, e bakit bumubuntot kay Architect? Yan tayo e. Kapag talaga mayayamang lalake, hindi na nakukuntento."

Agad akong nailang, kahit pabulong yun ay naririnig ko at alam kong naririnig din yun ni Miguel. "Thanks. Alis ka na." Agad ko siyang tinalikuran at naglakad papunta sa opisina ko.

Kahit pa alam kong hindi naman sila kasal ay sa mata ng ibang tao, mag-asawa sila.

I still need to distance myself.

"Huh? Why?" Humabol siya sa akin. "Busy ka ba? Sabi naman ni Raya wala ka nang meeting pagkatapos noon."

I stopped in front of my office and faced him.

"Miguel, dahil sa ginagawa mong ito tayo ang topic sa buong building. May asawa ka–"

"I told you, I'm divorced." Giit niya.

"Pero hindi nila alam yun. Kahit pa Ilibing mo sa isipan ko kung ano ang status mo, sa mata ng ibang tao may asawa ka. I don't want to be involve in some kind of third party shit." Malamig kong sabi. "Baka akalain pa ng iba, kabit mo ako. I have kids and I don't want them getting involve in my problems."

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon