Chapter 28"Mama!" Agad kong niyakap ang anak ko ng makauwi ako sa bahay. "You bought flowers!" Nakangiting sabi ni Lily at kinuha ang pumpon ng bulaklak mula sa kamay ko.
"Mama, where you go?" Yumakap naman si Vender.
"I just bought your medicines and vitamins anak. Nakalimutan ni mama mag-buy kahapon eh. Have you eaten your breakfast?" Hinalikan ko ang pisnge niya.
"Yes mama, yaya feed us. It was delicious but there's gulay." Ngumuso siya.
Kinarga ko siya. "Dapat kayong mag-eat ng gulay para healthy diba? Ayaw ni mama na nagkakasakit kayo kaya kailangan ang gulay. Ate Merci, uminom na ba sila ng vitamins?" Tanong ko sa yaya nila.
Kinuha ng yaya nila ang dala kong plastic bag na may laman na gamot at vitamins.
"Opo, ma'am." Sagot naman neto.
"Okay. Paliguan mo muna sila Ate ah. Aalis tayo ngayon." Kinuha na din niya si Vender.
Nagmatigas pa ito pero wala ding nagawa.
"Where are we going mama?" Tanong ni Lily at umakyat sa upuan. Inabot niya ang vase na nasa dining table.
"Ako na diyan anak, baka mabasag pa at masugatan ka. Let mama wash it first before we change the flowers." Kinuha ko ang vase.
Mahilig si Lily sa mga bulaklak lalo na sa rosas kaya kapag umaalis ako minsan, bumibili na din ako ng bulaklak para sa bahay. Marami din naman kaming bulaklak sa garden pero ayaw ni Lily na pinapake-alaman yun.
"Where are we going mama? You don't have work?" Yumakap si Lily sa bewang ko.
"Yes, it's Sunday baby. Sabi naman ni mama babawi siya sainyo diba dahil hindi tayo nakapagbonding last week?" Hinaplos ko ang mukha niya. "We'll go to the mall today, bibili tayo ng clothes niyo and we'll eat in your favourite Chinese restaurant."
Agad naman siyang tumili at mas hinigpitan ang yakap sa akin. "Oh my gosh! That's what I am waiting for mama! Shopping!" Nagtatatalon pa ito.
"Here, you can put the flowers na." Inilagay ko sa mesa ang vase pagkatapos itong lagyan ng tubig at linisan.
Agad naman siyang umakyat sa upuan at umupo sa mesa para abutin ang vase.
"These roses are really beautiful mama! We should plant some white rose next time, it will look good in our garden and pink too. I researched about it and it's easy to plant!" Lily giggled as she placed the flowers.
"Sure. We'll do that next time. After you place all the flowers, take a bath okay? You take a bath properly, hindi pwedeng madaliin." I kissed her forehead.
"Okay po, mama." Tumango siya habang nakatingin pa rin sa vase at isa-isang inilagay ang bulaklak doon.
The noon came at napagpasyahan naming kumain na muna sa chinese restaurant bago pumunta ng mall. Kasama namin ang dalawang yaya at ang driver. Medyo magulo dahil wala sa mood ang kambal at panay ang paglalambing sa akin kaya hindi ako masyadong nakakain ng maayos.
Nang matapos kami ay dumeretso din kamu sa mall kung saan malapit lang sa resto. Nakakapit pa rin si Vender sa akin at si Lily naman ay nasa yaya niya.
"Yaya, sa playroom muna kayo." Tukoy ko doon sa palaging pinupuntahan ni Lily na lugar kung saan maraming laruan at slides. "Para naman hindi mabagot si Vender. Sumama ka na sa kanila, Kuya Temong. Ayos lang kami ni Lily. Babalikan ko nalang po kayo doon."
"Sige, ma'am." Tumango ang driver.
Binigyan ko sila ng pera para na din sa snack nila. Hindi kasi nage-enjoy ang kambal kapag nagsh-shopping kami ni Lily lalo na ngayong wala din sila sa mood.

BINABASA MO ANG
First and Only
Fiksi UmumHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020