Chapter 35

108 5 0
                                        


Chapter 35

"Mama ko!" Agad kong sinalubong si Lily ng yakap. "It's been long since you picked me up in school! You're not busy, mama ko?"

"Yes baby, wala akong meeting ngayon. How is your day?" I smiled at her after giving her a kiss on her cheek.

"I received four stars today and naubos ko din ang snacks ko." She giggled.

"Hmm... That great! Ang galing naman talaga ng baby ko no. Gusto mo bili tayo jollibee?" Ngisi ko.

Agad siyang tumili at mabilis na tumango.

Nang makapasok kami sa sasakyan ay agad akong nagmaneho papunta sa malapit nna jollibee. We decided to dine in and just buy food later para naman may madala kami para kay Vender.

"I want one bucket mama! 4 for you and 4 for me!" Napaawang ang bibig ko. "A sundae too and fries the big one. Kahit wala na pong toys hehe."

"Mauubos mo ba yan anak?" Natatawa kong tanong. Kahit alam ko naman ang sagot. Yes, she will definitely finish that like a pro!

Malakas din kasing kumain.

"Yes of course! Please mama?" At nag-puppy eyes pa. 

I just nodded. As if may magagawa pa ako!

"I'll just find a seat for us okay?"

Tumango ako. Agad na siyang tumakbo para maghanap ng table. At dahil mataas pa ang linya ay natagalan ako sa pag-oorder.

"Hi ma'am good afternoon." Bati ng cashier.

"One bucket please, yung eight piece." I said politely. "Two large fries, two sundae din. And I piece chicken with spaghetti for take out."

"Okay ma'am." Sinabi niya yung total at agad ko din namang ibinigay ang pera.

Nang makuha ko na yung order namin ay agad ko nang hinanap ang anak ko. Tinulungan pa ako ng crew dahil sa dami neto.

"Mama!" Kumaway si Lily pero natigilan ako ng makita ko ang pamilyar na bultong nakaupo sa tapat ni Lily.

Agad akong naglakad palapit sa kanila ng makabawi. Mahigpit kong hinawakan si Lily.

"Mama, siya po pala ang daddy mo diba?" Tanong ni Lily.

Mariin akong napatingin kay Dad.

"What are you doing here?" Malamig kong sabi.

"Ma'am dito ko na po ba ilalagay?" Tanong ng crew.

"Pwede po bang paki-take out nalang?" Tanong ko sa lalake.

"Ay sige po ma'am, ihahatid ko nalang po dito." Naglakad siya balik sa counter.

"What are you doing here?" Balik kong tanong kay daddy. 

Agad siyang nagbaba ng tingin.

"Gusto ko lang makita kayo, anak." Mahina niyang sabi.

He didn't change a lot. Except for the wrinkles in his forehead. Ganoon pa rin ang pangangatawan niya. Medyo tumanda lang ng konti dahil sa buhok.

"Mama, why are you angry? Wala naman po siyang ginawang bad sa akin. He's nice to me. He gave me some toys oh." Napalingon ako sa mga paperbag na nasa tabi ni Lily.

"Umalis ka na." Tiim bagang kong sabi. "And don't ever come back."

"I-I just want to–"

"I don't care about what you're here for. I want you to leave. Nag-usap na tayo tungkol dito. Don't make me repeat what I just said."

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon