Chapter 39

129 6 0
                                        


Chapter 39

"Mama ko, what are we doing here?" Tanong ni Lily. Nakaupo siya sa swivel chair ni Freesia habang hawak ang barbie doll.

"Mama just need to talk to some people, you don't need to go out okay? Ayokong lumabas ka. Dito ka lang sa loob ng office ni Tita Freesia mo." I patted her head.

"Bakit po? Is it because of your problem? Malaki po ba ang problem niyo mama?" Tanong niya.

I smiled at her. I gestured her to come near me.

"Halika nga." Lumapit naman siya. "Ang problems ni mama ay hindi muna dapat malaman ni baby dahil baby pa kayo e."

Agad naman siyang ngumuso.

"Hindi na ako baby. Big girl na ako. Eight na nga ako in a few days e. One week and five days nalang." Ngumuso siya. "May bad guy po ba?"

"Hmm... Bakit mo naman nasabi?" Hinalikan ko ang pisnge niya. Napatingin naman ako kay Vender na nakatutok lang sa kanyang iPad.

"Narinig ko lang po kela Tita. Don't worry mama, Dada Miguel will protect us like what he did to Cassy and Tita Diana."

Napakunot naman ang nuo ko.

"Dada Miguel? He is not your dada."

"He allowed me to call him that. I asked him when we were in the Amusement Park. Sabi niya okay lang daw dahil magiging dada din naman namin siya soon. I really like him for you mama dahil magaling po siya magluto hindi katulad mo."

Napaawang ang bibig ko.

Humighik siya.

"I'm hurt." Ngumuso ako. "Ayaw mo ba sa cooking skills ni mama?"

"Uhh... okay lang naman po pero mas masarap pa din magluto si Dada Miguel. He always bring food in my school and also he gives me very good brownies!" She giggled.

"You ready?" Napalingon ako kay Peony.

I nodded.

Nandito kami sa loob ng opisina ni Freesia. They'll stay here while me and Statice together with Abuela will be infront of the press.

"Then let's go, marami nang naghihintay sayo. Kompleto na daw ang media." Statice.

"Dito nalang kami. We'll watch you there." Turo ni Cypress sa malaking tv.

Tumango nalang ako at muling napatingin sa cellphone. Nagtext si Miguel na papunta na siya pero hanggang ngayon ay hindi pa dumadating. Buti nalang at sinabihan ko si Raya na sunduin nalang siya mamaya.

"You need to breathe. Huwag kang kabahan dahil tayo ang may hawak ng katotohanan." Statice said smiling as we went out the office.

Sa isang malaking hall gaganapin ang press conference. Hindi ko pa alam kung gaano ka dami ang inimbitahan nila kaya hindi ko talaga maiwasang kabahan.

"Nandiyan si Kuya Miguel." Napatigil ako. I turned to where Freesia is looking at.

Miguel, running towards us.

I smiled at him. May dala siyang tatlong bouquet ng bulaklak. Kaya agad napakunot ang nuo ko.

"I'm sorry, medyo matraffic." Tumigil siya sa harapan namin. "Good morning, doktora." Magalang niyang bati at bahagyang yumuko. Ibinigay niya ang isang bouquet kay Abuela.

"Buti naman at pinaunlakan mo ang imbitasyong ito, Miguel. It's nice to see you again." Pormal na sabi ni Abuela. Hindi ko alam kung totoo o pagpapanggap dahil seryoso ang mukha niya.

First and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon