Epilogue"Miggy! Bilisan mo na diyan, we're late!" Kumatok si Mommy sa pinto ko.
I groaned as I placed my controller on the table.
"Opo." I stood up and fixed my polo.
Napangiwi ako. I don't even want to wear something like this. Bakit kasi kailangang ganito pa ang suotin.
Nang makarating kami sa isang mansyon ay hindi ko maiwasang mamangha. Our house is big but this house is bigger than ours and it screams money.
"Dela Cuesta family! Come in! Come in!" Isang matandang babae ang sumalubong sa amin.
I don't know her but I saw pictures of her. She's elegant and she looks very professional.
Napako ang tingin ko sa isang magandang babaeng bumababa sa hagdanan. They are all pretty but the girl in black dress made my heart skipped a beat.
What?! Skipped a beat? Nababakla na ba ako?
Nang maipakilala ni Doktora Laurel sa amin ang mga apo niya ay hindi ko maiwasang matulala. Her name is also a beautiful flower, my favorite flower, Anemone.
"Stop staring at her. You look like an idiot." Narinig kong bulong ni Kuya Ace. Agad naman akong napaiwas ng tingin.
Nang magsimula kaming kumain ay hindi ko talaga maiwasang hindi siya pasimpleng tignan. She's really beautiful, her voice is very soothing to my ears too.
Kaya ng imbitahin sila ni mommy na pumunta sa resort namin ay agad na akong nagplano kung paano siya kausapin.
This is really new to me! Kahit sa amerika ay hindi ako ganito ka bakla. I had some flings but I never really entered a relationship and I don't understand why I want to be in a relationship in an instant.
"Para kang stalker!" Nanlaki ang mata ko ng hablutin ni Kuya Ace ang phone ko at tumakbo.
Did he just caught me taking pictures of Anemone?
"Kuya! Ibalik mo ang phone ko! Kuya!" Habol ko sa kanya. "Kapag hindi mo ibinalik ang phone ko sasa—" Hindi ko na naipagpatuloy ng patapon niyang ibinigay ang phone ko.
Nang gustong lumapit ni Ate Ria kay Anemone ay agad akong nagpasalamat sa lahat ng santo. I was eyeing her the entire time and she's was really graceful!
"They're looking for you." Nahanap ko din siya dahil bigla nalang siyang nawala kanina pagkatapos naming kumain.
Hindi naman talaga siya hinahanap, gusto ko lang siyang makausap.
"U-Uhh... sige... susunod ako." Nahalata ko ang kaba sa mga mata niya. She's really cute and charming kahit medyo nerdy nga lang ang datingan pero hindi naman masasabing nerd siya dahil sa ganda niya.
"I'll wait for you." Ngumiti ako at umupo sa malapit na bato. Pasimple siyang tinignan.
"Huwag na... gusto kong m-mapag-isa." Nakita ko pa kung paano mamula ang kanyang pisnge.
"Really huh?" Tumaas ang kilay ko pero agad ding nagkibit-balikat. "Give me your phone." Nakikita ko kasing nahihirapan siya sa pagkuha ng picture.
"At bakit?" Napatingin pa siya sa kamay ko.
"I'm gonna take pictures of you. Kanina pa kita nakikitang nahihirapang kumuha ng litrato."
Nag-alangan pa siya noong una pero bumuntong hininga din at ibinigay ang kanyang cellphone.
"You like unicorns huh..." Hindi ko alam kung bakit naaliw ako sa kanya.
"The phone's not mine. It's Peony's. Kinuha ni Abuela ang phone ko at next week pa ibabalik." Depensa niya.

BINABASA MO ANG
First and Only
Fiction généraleHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020