Chapter 19Nagising ako dahil sa tunog mula sa cellphone ko. Nakapikit ko itong kinapa sa gilid ng kama. At nang mahanap ko ay agad kong sinagot ang tawag.
"Hoy bakla! Bakit nagdrop-out si Papa Miguel?"
Agad akong napaupo.
What the fuck?
"R-Raya? Huh? Huwag kang magbiro ng ganyan ah." Kabado kong tanong. "Ang aga-aga." Inis kong sabi.
"Hindi ako nagbibiro! Si Papa Miguel, nagdrop-out daw sabi ng adviser natin. Hinanap ko siya kanina, hindi naman kasi yun umaabsent sa subject natin. Alam mo ba kung bakit? Sabi kasi ni sir kahapon daw nagdrop-out at tinapos niya lahat ng requirements kahapon para pumasa ngayon sem."
Mabilis kong pinatay ang tawag at tinignan ang message ni Miggy sa akin pati facebook ay binuksan ko na pero wala akong makita kahit isang minsahe niya, puro nakaraang araw lang at kahapon. Wala siyang reply sa minsahe ko kagabi. It's almost ten in the morning at alam kong gising na siya sa mga oras na to.
I dialed his number at nagring lang ito pero hindi sinagot. Tinawagan ko ito ng paulit-ulit pero wala talaga.
Ako:
Raya told me you dropped out. What's happening, Miggy? Dalawang linggo nalang at matatapos na ang sem.
"Anemone, anong problema?" Napalingon ako kay mommy.
"Si M-Miguel, nagdrop out siya mommy at hindi ko man lang alam kung bakit. He is also not replying to my messages." Nag-aalala kong sabi.
"I think you should go home."
"Pero paano ka–"
"Anemone, baka may problema ang boyfriend mo. Go to him and talk. Ayos na ako at kaya ko na ang sarili ko. Tatawagan ko nalang ang tita mo para magpadala ng maid para may bantay ako. Go, book a flight."
Agad akong tumango at kinuha ang bag ko. Umuwi muna ako sa bahay nila Tita Rissa para makapagbihis at kunin ang lahat ng gamit ko para sa school.
Nang makarating ako sa airport ay tinawagan ko na naman si Miguel pero out of reach na ito.
What's happening? Bakit biglaan naman ata ang pagdedesisyon niyang magdrop-out. At hindi man lang sinabi sa akin na may ganoong plano siya.
Kinuha ko ulit ang phone ko nang tumunog iyon pero nabigo lang ako dahil pangalan ni Raya ang nagpop-up sa screen.
"Hoy ate girl! Nakausap ko yung pinsan ni Miguel! Babalik na daw sa Amerika ang pamilya nila? Ano ba ang nangyayari?"
My heart dropped and pain enveloped it. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi makakilos.
"N-Nakaalis na ba sila?" Nanginginig kong tanong.
"Oo, ate girl! Kagabi daw umalis dito sa Mindoro at kaninang umaga din ang flight papuntang Amerika. Nagsabi ba sayo? Nagbreak ba kayo?!"
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko na para bang piniga ito at tinapak-tapakan.
He left without telling me!
"Anemone! Nagbreak ba kayo? Bakit ganoon? Biglaan? Okay naman kayo noong nakaraan."
"H-Hindi ko alam, Raya. Hindi kami nagbreak. Hindi din siya nagsabi na aalis sila. Hindi niya nirereplyan ang mga minsahe ko at hindi niya din sinasagot ang mga tawag ko." I sobbed.
"Hala ka! Bakit siya ganoon? Ghosting lang? Ano yun?!"
Nakarating ako sa Mindoro alas dos ng hapon. Nagpasundo ako sa driver at nang makarating ako sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto para ilapag lahat ng gamit ko. Hindi na ako nagbihis dahil sa pagmamadali.

BINABASA MO ANG
First and Only
General FictionHermosa Series #1: Anemone Kassandra Hermosa Started: July 14, 2020 Ended: August 9, 2020