Prologue

5.9K 265 146
                                    

The Nation's Outcry
Zanashi

"How does the justice system in our country work, teacher?"

From smiling widely in front of them, my face instantly turned a bit petrified and alarmed. Tumikhim ako at sandaling tiningnan kung may tao ba sa labas. Maya't maya ang pagdaan ng mga tao pero wala namang humihinto dahil may pinagkakaabalahan sila.

Ang grupo ng mga armadong lalaking huling dumaan ay may hila-hilang isang babae at isang binata, parehong umiiyak at takot na takot. Tila ba ilang sandali na lang ay mabubuwal sila sa kinatatayuan nila. Pero dahil nakatutok sa kanila ang baril ng dalawang armadong lalaking nasa likod nila, nagpatuloy pa rin sila sa kanilang paglalakad.

Kumabog ang dibdib ko at iniwas na lang ang tingin mula sa kanila. Another captives. 

Lumingon na lang ako sa mga batang nakatingin na sa akin ngayon, atat na marinig ang sagot sa tanong na iyon. They looked at me with expectant eyes. I, on the other hand, looked at them with unease, terror, and sadness. The look of volition on their face makes my stomach churn.

"Actually.." I cleared my throat, preventing myself from showing my personal view on this, at the same time, taking them away from the harsh reality. "We have a supreme court in our counrty and it—"

"It works through media."

Parang pinitik ang ulo ko papunta sa direksyon ni Iris, kasama kong nagtuturo sa mga bata, para pandilatan siya ng mata at balaang itigil na niya ang pagsagot. She didn't glance at me in return. Instead, she continued answering them as if she waited decades to hear this question from them. Gano'n siya kasabik.

"Justice works through media and media is a playground for those people who treat themselves superior than others. Kung walang salaping maihahandog, walang hustisyang maihahain. Kung walang gintong maililingkod, walang hustisyang maibibigay."

Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko maatim tingnan ang mga batang atat na atat malaman kung paano gumagana ang hustisya sa bansa. They were just kids for Pete's sake! Ang pinakamatanda rito ay sampung taong gulang pa lang.

They were supposed to play pinoy games, to sing nursery rhymes, to memorize the alphabet, to color their coloring book, but here they are! Asking about the terrible and unfair justice system of our country.

Hindi ko matanggap na sa murang edad pa lang, pilit nang isinusubo sa kanila ang katotohanan. Oo, alam kong mabuting malaman nila ito para hindi sila maging mangmang sa pangyayaring ito, pero tingin ko'y hindi pa ganito kaaga. Gusto kong maranasan muna nila ang buhay na walang ibang pinoproblema maliban sa paglalaro. Ayokong sa murang edad pa lang ay kakainin na ng kalupitan ang isip nila.

"Ibig sabihin, tama ang ginagawa nila Papa? Kasi diba, teacher, makatarungan naman ang ipinaglalaban nila?"

"It is not—"

"Yes!" muling putol sa akin ni Iris. "Hindi sila titigil hangga't walang gumagalaw para patigilin sila. Katarungan ang hinahangad ng grupo natin. Tayo ang nasa katuwiran, sila ang nasa kasamaan."

Kung dati pa, I would certainly agree with her statement. Lumaki akong ganito ang turo sa amin. Ito ang naririnig ko sa mga magulang ko at ito ang naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Para itong musika na paulit-ulit ipinapasok sa isip ko, sinisiguradong makakabisado ko ito pagdating ng panahon.

Gano'n sana ang paniniwala ko kung hindi lang nila ako pinag-aral sa lungsod. They have decided to sent me there for me to observe everything outside our scope. Maraming kabataan ang pinag-aaral nila sa lungsod at alam ko ang pinakarason nito. Gagamitin nila kaming ispiya ng kabilang panig.  Pagdating ng panahon, sa amin sila kukuha ng impormasyon para mas mapatibay at mapalawak ang kanilang plano.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now