Chapter 42: Responsible
ZanashiThe next day, nothing changed. People inside the evacuation center were still very scared of this sudden riot made by AFFO, their sorrow was still lingering in the air, Dalia was still crying every now and then because of so much worry and fear, and there were another arrival of dead bodies in the camp, some were civilians and some were soldiers.
Pagdating ng panibagong bangkay ay lumapit muli ako kay Lucas para itanong ang kalagayan ni Denver.
"Ligtas si Captain Salzano, Sayyana.." lumingon-lingon siya sa paligid. "Ang kulit mo talaga, no? Sinabi ko nang wag kang lumabas dahil baka makilala ka ng mga ibang sundalo."
Pero.. masisisi ba niya ako? Ilang araw na ang nakalilipas at hindi ko pa rin nakikita ang asawa ko. Hindi ko alam kung may sugat ba siya sa braso o sa balikat o sa kahit saang parte ng katawan niya. Hindi ko alam kung nasa maayos ba siya na kalagayan o ano pa man. Nag-alala na ako nang sobra.
Soldiers took turns in guarding us. Araw-araw ay halos sampu ang mga sundalong nakabantay sa loob ng evacuation center, na napapalitan ng panibagong mga sundalo pagdating ng gabi, na muli na namang mapapalitan pagsapit ng umaga.
Minsan ay tumutulong sila sa mga doctor at mga nurse sa mga gawain na nangangailangan ng lakas tulad ng pagbubuhat ng mga makina o iba pa. Madalas naman ay nakatayo lang sila sa gilid habang nakatingin sa lahat ng tao sa loob ng center. Hindi naitatago ang sakit at awa sa kanilang mukha.
Among those soldiers, I noticed a certain soldier who's always looking at me. Lagi kong iniiwas ang mukha ko sa kanya at humaharap na lang sa kabila habang buhat-buhat si baby Treyton. Makaraan nga lang ang ilang sandali, umiikot siya papunta sa gawi kung saan ako nakatingin para muling pagmasdan ang mukha ko.
"He's being creepy," komento ni Dalia. Maging siya ay napapansin ang ginagawang pagtingin ng sundalong ito. "Don't tell me he likes you? Halata namang may anak ka na kaya sana'y wag siyang tumingin ng ganyan."
Pero iba ang iniisip ko sa iniisip ni Dalia. Tinapunan kong muli ng tingin ang sundalong ito at ang kaba ay muling nabuhay sa sistema ko. I'm very sure he's not staring at me for that reason. Hindi niya ako gusto, nasisiguro ko iyon. He's staring because.. he knows me. Nakikilala niya ako.
My assumption has been confirmed when I went to the comfort room later that day. Paglabas ko sa isang cubicle ay tumingin ako sa salamin at nakita ang maputla kong mukha. Suot ko pa rin ang hospital gown dahil magmula noong dumating kami rito ay hindi na kami nakaligo pa.
Malapit lang ang comfort room sa evacuation center pero nasa likod ito kaya wala masyadong pumupunta maliban na lang kung talagang gagamit sila nito. Ngayon nga lang, wala akong nakikitang kahit ni isang tao. Hindi ito magandang bagay lalo na nang pagtapak ko pa lang palabas ng comfort room ay isang kamay na ang humila sa braso ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko at agad na tumingin sa taong ito. Sumalubong sa akin ang nakakunot na mukha no'ng sundalong laging nakatingin sa akin mula pa kaninang umaga.
"Anong kailangan mo?" salubong na kilay kong tanong.
Ilang sandali siyang napatitig sa mukha ko bago niya muli akong hinila palapit sa kanya. Halos idikit niya ang mukha niya sa mukha ko, ang mata niya'y nag-aapoy sa galit.
"Aguilarma ka, tama ba ako?"
Napaatras ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sinubukan kong hilain ang braso ko palayo sa kanya pero masyado siyang malakas. Pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang braso ko sa higpit ng hawak niya.
"Bitawan mo ako!"
"Hindi ako pwedeng magkamali. Aguilarma ka! Isa ka sa mga nabihag noong araw na iyon! Alam ko dahil kaming dalawa ni Bergado ang dumala sayo sa military truck!"
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...