Chapter 27

1.8K 173 145
                                    

Chapter 27: Hold
Zanashi

It's no use denying that sometimes, we felt calm and peaceful in this place despite all the revelations we've got and all bad news we've heard. The bright color of leaves and trees, the fresh air, and the kindness of people in this place are big help to ease our worries.

People are so lively here. Sumisikat pa lang ang araw ay halos gising na ang lahat. Ang iba'y nagwawalis sa bakuran, ang iba'y nagsisibak ng kahoy, ang iba'y nag-iimbak ng tubig, at ang iba'y masayang nag-uusap-usap sa labas ng bahay nila. Though houses here are separated by fence, it doesn't stop them from interacting and communicating with each other.

"Sayyana.." marahang tawag sa akin ni Faiqa.

Mula sa pagtingin sa bintana ay bumaling ako sa kanya. Nakasuot siya ng itim na mahabang damit at itim din na hijab. Sandali pa akong napatulala sa mukha niya. Huminga ako nang malalim. She's.. really beautiful.

"Hmm? Bakit?" nakangiti kong tanong, pilit itinatago ang insecurity na nararamdaman.

"Pupunta ako sa Madrasah ngayon para magturo sa mga bata. Gusto mo bang sumama?"

Tuluyan na akong napaharap sa kanya at napangiti nang malawak.

"Sige ba! I really want to know more about your religion! I'd really love to go with you.." I said excitedly but halted when I realized something. "Pero.. nakakahiya. Wala akong hijab at iba ang paniniwala ko sa inyo."

Ngumiti siya nang matamis sa akin. "They are not going to judge you, Sayyana. Even with our differences, we still respect your religion and practices."

"Okay but.."

"I could lend you some hijab if you want."

Sa huli ay sumama na rin ako sa kanya. I was so enthusiastic on our way to their school. Ang kamay ay madalas kong iginagalaw para maramdaman ang paghaplos ng madulas na tela ng hijab sa braso ko.

Tumingin ako kay Faiqa na kung hindi nakayuko ay nakangiti naman akong tinitingnan. Umikot ako sa harap niya kaya ang mahabang hijab na suot ko'y nagmistulang talulot ng bulaklak na nakapaligid sa akin.

Natawa si Faiqa kaya naman kitang-kita ang ngipin niyang perpekto ang ayos, ang pisngi niyang bahagyang namumula, at ang pagluwa ng kakaibang kinang sa mata niyang kumukurba dahil sa ginagawang pagtawa. Ang dimple sa ibabang parte ng mata niya ay kumukumpleto sa walang kapintasan niyang katangian.

"You know what, Faiqa, you're really beautiful."

Tuwing kasama niya ang mga pinsan at walang lalaki sa paligid ay lagi siyang ngumingiti nang ganito. Tuwing ginagawa niya ito'y hindi ko mapigilang mapahanga. She's just so beautiful especially when she smiles. She looked like a pure and innocent angel.

"We all are," nakangiti niyang tugon. Tumingala siya at tumingin sa mga ibong nakatayo sa sanga ng punong nadaraanan namin.

"Just look at those birds, the way it chirp and fly, isn't it too beautiful? The way the sky gave us tranquility and comfort, the way the sun shines brightly through all the creatures in this world, the way the stars and moon illuminate the whole world amidst the darkness, and the way the trees, leaves, and mountains sharpened the bright colors of our surrounding, isn't it too beautiful?"

Ibinagsak niya ang tingin sa baba at bahagyang inilahad ang kanyang maputing kamay na para bang gusto niyang hawakan ang lupa.

"The way the ground carries all of us here in this world, the way our foot creates every step, the way our eyes behold all of these, isn't it too beautiful? Endless beauty, isn't it? If I've successfully stated all the beautiful things in this world, that would only mean the world has already ended. Because until there's life in this world and until it doesn't stop working, the beauty it reflects will never stop as well."

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now