Chapter 32

1.8K 143 49
                                    

Chapter 32: Discrimination
Zanashi

Hindi umuwi si Denver sa loob ng one week. Alam kong may inaasikaso siya at syempre, alam kong may kinalaman pa rin ito sa mga kaguluhang gawa ng AFFO. Tuwing umuuwi siya ay hindi siya nagsasalita patungkol dito. Hindi naman ako nagtatanong pa dahil baka kailangan muna nilang ilihim ang kanilang mga nalalaman sa pagkakataong ito. Naiintindihan ko naman iyon kaya hangga't wala siyang sinasabi ay hindi na ako nagtatanong.

Biyernes nang malaman ko kung ano ang tila pinagkakaabalahan ni Denver nitong nakaraang araw lang. Maingat akong nakasandal sa sofa at kabadong nanonood ng mga balita. Kada balita ay nadadagdagan ang sikip ng dibdib ko. Ang gulo, ang gulo-gulo. Magulo ang bansa at maging ang mga tao. Puro tungkol sa terorismo, diskriminasyon, at mga taong nanghihingi ng hustisya patungkol dito ang nagiging laman ng balita.

Sa huling balita ay pinatay ng tatlong sibilyang lalaki ang dalawang lalaking Muslim sa pag-aakalang parte ito ng AFFO. Nangyari ito sa bahagi ng Luzon. Agad din itong sinundan ng balitang tila magkatulad lang ng sitwasyon. Sibilyan din ang pumatay sa dalawang mag-asawang Muslim sa kaisipang miyembro ito ng terorismo sa bansa. Ang mas malala pa, ginahasa nila ang babae sa harap ng kanyang asawa, kinunan ng video, at ikinalat sa social media. It made me sick. Ang puso ko'y sumasakit sa sobrang daming emosyon na nararamdaman ko. Sa huli, nangibabaw ang disgusto at galit sa akin. 

Naging maingay na naman ang buong bansa dahil sa puntong ito, mas nasisiwalat na ang mga diskriminasyong nangyayari na nagreresulta sa pagkawala ng hindi lang isa ngunit marami pang buhay. Hindi lang iyon, pati dignidad at karangalan ng mga iba pang Muslim na biktima ng nakakasukang diskriminasyon na ito ay naaapektuhan.

Sa isang mall sa Visayas, kitang-kita sa cctv kung paano harangin ng isang security guard ang isang babaeng Muslim na nakasuot ng hijab, pinatayo sa gilid na para bang nagtatanong-tanong, makaraan ang ilang sandali ay dinuro-duro, at ilang sandali pa ay pinalabas na niya ito sa mall at hindi hinayaang makapasok.

Sa isang drug store naman sa Visayas din ay may naging alitan sa pagitan ng isang Muslim na nakasuot ng niqab at security guard ng nasabing establishment. Sa una, nag-uusap lang ang dalawa pero ilang sandali lang ay hinila na lang bigla ng guwardya ang babaeng Muslim at itinulak palabas. Bahagya pang napaluhod iyong babae dahil sa lakas ng pagkakatulak nito.

"Nagpupumilit pong pumasok. Sinabi na pong kailangan ko munang makita ang mukha niya at nang masigurong wala nga siyang binabalak na masama. Malay mo, lalaki pala siya na nagtatago sa telang iyon? Sinisiguro lang po pero hindi pa rin po pumayag. Kaya hindi rin ako pumayag na papasukin siya," kunot-noong salaysay no'ng security guard. Sa tono niya'y mukhang hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya sa nangyari.

"Kami pong mga nagsusuot ng niqab, bawal pong makita ang mukha namin ng mga lalaking hindi namin mahram. Sinubukan ko pong ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon ko pero gusto pa rin po niyang makita ang mukha ko. Kaya sinabi ko na lang po na yung babaeng katrabaho na lang niya ang kumumpirma dahil pwede naman iyon pero agad na siyang nagalit at pinilit akong itulak palabas," hindi kita ang mukha ng babae at tanging boses lang ang naririnig. Bakas pa rin ang pagka-insulto at pagkapahiya sa boses niya.

Sa facebook ay iyon din ang naging usap-usapan. May ibang nakisimpatya sa kanya pero may iba ring nainis dahil gumagawa lang daw ito ng eksena at nagpapasikat.

Atena Laz Gabana
Pwede namang umalis na lang, di ba, para tapos na ang problema! Ang daming drug store sa lugar, meron pa nga sa tabi lang nyan, pero bakit pinipilit pa rin niyang pumasok eh ayaw nga ng security guard? Tanga-tangahan lang, teh? Nagpapasikat?

Marami pang hindi kaaya-ayang komento pero ito ang pinaka-hindi ko nagustuhan sa lahat. Gamit ang dummy account na ginawa ko ay mabilis ko itong sinagot. Halos itapon ko na sa dingding at tapakan ang cellphone na ibinigay sa akin ni Denver dahil sa sobrang gigil.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now