Chapter 16

1.9K 167 67
                                    

Chapter 16: Smile
Zanashi

Natapos na akong maligo, magbihis, at kumain ng agahan kasama sina Iris at ang mga bata pero hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawi ang kabang nararamdaman ko. Habang hinihintay ang military truck na sasakyan namin, minu-minuto akong napapatingin kay Iris.

Her smile and giggles were just impossible to ignore. Sa ilang buwan naming pananatili rito bilang bihag ng mga sundalo, hindi ko pa siya nakikitang ganito kasaya.

"Ito pa, Jonathan! Gusto mong basahin ulit? You can read it again. You'll gonna miss this for sure," nakangiti niyang tugon habang inilalahad ang aklat na may pamagat na Reflection Time: Let's Talk About The Traits Of An Ideal Citizen kay Jonathan.

"Thank you po, teacher. I really love this book," tanggap ni Jonathan. Hindi nga lang niya ito binuksan tulad ng gustong ipagawa sa kanya ni Iris. Siguro'y dahil alam niyang maya-maya lang ay aalis na kami.

I cleared my throat. Tumingin sa akin si Iris at nakangiti akong hinawakan sa braso.

"Sayyana! Are you okay? Hanggang ngayon, namumutla ka pa rin. Takoy ka ba talaga sa dilim? Hindi naman nakakatakot sa solitary confinement, ah?"

"Nakakatakot kung may konsensya ka," diin ko.

May gusto akong iparating sa sinabi kong ito pero sa sobrang saya niya ay hindi niya ito napansin nang mabuti. Sa halip ay pinalo niya ako sa braso at tumawa.

"Oh, are you implying that you have conscience? Alam ko naman iyon, Sayyana, no! Kaya pala tuwing lumalabas ka galing solitary confinement ay parang kagagaling mo lang sa mental hospital," biro niya.

Nanatili akong nakatingin sa kanya habang tawang-tawa siya sa biro niya.

"Sayang naman at hindi ako natakot! Ibig sabihin wala akong konsenya?"

I know she's just joking but it hits really different for me. Kunot-noo kong iniwas ang tingin sa kanya at pinanood na lang si Raygan Rodriguez na nag-aayos ng gamit sa isa pang military truck.

"Kung gano'n, anong nakikita mo?" muling pagtatanong ni Iris. Ang konting pagtawa ay mahihimigan pa sa boses niya. "Ang papa mong nag-aalala nang sobra sayo habang ikaw na anak ay ipinagdadasal na sana hindi ka na lang makabalik sa grupo? Na sana manatili ka na lang dito? Konsensya nga talaga 'yan, Sayyana!"

She laughed once again. Akala siguro niya'y natutuwa ako sa mga biro niya pero ngayon, nag-iinit ang kalooban ko dahil sa matinding inis. Kada tawa niya ay parang sinisilaban ang damdamin ko. Inaasahan kong mas gagaan ang pakiramdam ko pag-alis ko sa solitary confinement pero parang mas sumama pa ata ito. Gusto kong umiyak sa sobrang inis, galit, at pagkalito.

"Nakikita ko ang kapatid ni Captain Salzano, ang babaeng walang awang pinatay ng grupo natin," diretso kong sagot.

Napawi nang konti ang ngiti niya pero hindi pa rin ito sapat para tuluyang matanggal ang ngiti sa mukha niya. Tila ba hindi niya masyadong naiintindihan ang sinabi ko sa kanya.

"Nakikita ko si Louis.." dugtong ko, ang noo'y kunot na kunot. "Ang batang natamaan ng ligaw na bala na para sana sa kasamaan ng grupo natin."

Doon na tuluyang napawi ang ngiti sa labi niya. Naramdaman ko na naman ang tila batong nakaharang sa lalamunan ko. Uminit din ang sulok ng mga mata ko.

"Nakikita ko si Kysler, Iris. Ang kaibigan kong nasawi na walang ibang hinangad kundi ang makalaya sa baluktot na prisipyo ng grupo natin."

Tumingin ako nang diretso sa kanya, pilit hinuhuli ang mga mata niyang hindi na makatingin sa akin ngayon. Kinagat niya ang labi niya habang ang kilay ay unti-unting nagsasalubong.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now