Chapter 30

2K 154 114
                                    

Chapter 30: Respect
Zanashi

Two weeks after, may nakalap na impormasyon ang mga sundalo patungkol sa nangyari at nangyayari pa lang ngayon. Nasa kubo kami nang bigla na lang lumapit si Nurjamin at ibinigay ang cellphone niya kay, err, Denver? Sinabi niyang may sundalong naghahanap sa kanya sa kabilang linya.

"156 overall casualties from the three attacks made by AFFO. 63 dead, 6 missing, and 87 injured," aniya pagkatapos ng tawag.

Gulat akong napatingin sa kanya samantalang ang mga kasamahan niya ay napamura. Hindi pa man kami nakakabawi sa gulat ay agad na niya itong dinagdagan.

"Sundalo lang at wala pang sibilyan."

Napanganga ako at biglang sumikip ang dibdib ko. AFFO made that? Ilan pa ba ang mga nasawing inosenteng tao dahil sa pag-atake ng AFFO? At.. ilan ang mga nasawi sa kanila? Alam kong baluktot ang paniniwala ng AFFO pero may parte pa rin sa akin na nag-aalala para sa kanila. Sa kanila ako nagkamalay at sa kanila ako lumaki.

"What happened in the camp? How come they were attacked, Cap?" tanong ni Raygan, ang kamao niya'y nakakuyom at ang noo'y nakakunot.

"The camp is heavily guarded, we all know that. Though there are AFFO members there, we made sure that their number was outweighed by loyal soldiers. Nauna ang pag-atake sa iilang lugar, bago isinunod ang kampo, at bago tayo inatake. Because certain cities were attacked, soldiers from the camp lost their focus and eventually neglected to guard the area. They were waiting for some news in the headquarters when one member of AFFO acting as a soldier came in. Walang nakapansin dahil lahat ay tutok sa isang sundalong may kausap sa kanyang cellphone. By the time they have noticed him, it was already too late. He has bomb all over his body, a suicide bomber, and made the place exploded in a second."

"Oh, shit.." mahinang mura ni Jason.

"Pero bakit tayo pinagbawalan ng presidenteng kumilos, sir?" takang-takang tanong ni Jason. "Everything is falling into pieces but why the hell would he limit us knowing that the captain is here?"

"Hindi tayo pinagbawalang kumilos."

"Then what, Cap?"

"Inakusahan tayo ng presidente bilang mga espiya."

"What the fuck?!" halos sabay-sabay naming sabi. I mean, what the fucking hell? All of a sudden, binaliktad sila ng presidente?

"Why would he fucking do that?" gigil na tanong ni Raygan.

"Since our bodies are not found, he assumed that we planned all of this, that we are working for the AFFO from the very beginning. Inutusan niya ang mga sundalong patayin tayo sa oras na makita tayo."

"Sinasabi na nga ba't iba talaga ang dala ng putanginang presidenteng 'yan!" sambit ni Raygan, galit na galit. "Literal na hindi nag-iisip! Talagang pasasabugin ko ang bungo niyan sa oras na makita ko siya!"

Ang mga kasamahan niya ay halos magwala na rin pero nanatiling kalmado si, err, Denver.

"The good thing here is that our General thinks otherwise. Lingid sa kaalaman ng presidente na inutusan ng General ang mga sundalong wag pakinggan ang utos ng presidente."

"Which would only mean.."

"Yes, we're leaving here as soon as possible. Tutulong tayo sa bansa at lilinisin ang pangalan natin."

Nagpatuloy siya sa paghatid ng nakalap niyang impormasyon. Ayon sa kanya, 27 ang nasawi sa kampo, 25 ang nasawi sa giyera na nangyayari sa iilang lugar sa Pilipinas, at 11 ang nasawi sa mga sundalong kasama sa paglipat sa amin sa military base.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now