Chapter 25: Jealous
ZanashiThis is not me, certainly not me. I've never judged someone especially when I have never talked or atleast have no enough interaction with that person. I tried to reprimand myself because I didn't like the idea of me judging someone. That's why when we're preparing for dinner, I've tried my best to remove the bitterness inside me.
"Nabanggit sa akin ni Aliyyah na nagtuturo ka sa mga bata?" panimula ko. "I am also a teacher. I think we could get along really well."
Nasa kusina kami at naghahanda. Ayaw pa sana niya akong patulungin pero nagpumilit ako.
Ngumiti siya at tumango. "In shaa Allah."
"What do you mean by In shaa Allah?" ngayon ay hindi ko na pinilit pa ang sarili ko.
Nasasabik na ako sa pag-uusap namin kahit isang salita pa lang naman ang binibitawan niya. Gusto kong matuto pa ng maraming bagay tungkol sa relihiyon nila at tingin ko'y marami akong matutunan sa kanya dahil na rin sa mga pinagsasabi ng kapatid at mga pinsan niya.
"If God wills," ngiti niya.
Iyon lang at hindi na siya muling nagsalita pa. Bigla ay nabura na parang bula ang pagkasabik ko. Kumuha siya ng mga pinggan at maingat na inilagay sa lamesa. Banayad ang galaw niya na para bang kahit may ilagay na baso sa ulo at magkabilang balikat niya ay hindi ito mahuhulog.
"Ang ganda ng lugar niyo!" muli kong subok, sounding so excited. "Malamig at puro fresh air lang ang nalalanghap. Mahirap makalanghap ng ganitong hangin sa lungsod. Lagi ay may flavor nang dala."
Mukhang ako nga lang ang natawa nang malakas sa biro ko. Tumatawa rin siya pero mahina lang sa puntong aakalain mong nakangiti lang siya.
"You're right," she agreed but she didn't say anything more.
Tumikhim ako at dinungaw ang ulam na niluluto. Hinintay kong magkuwento siya pero lumipas na lang ang limang minuto ay nanatili siyang tahimik, abala sa kanyang ginagawa. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin at kapag nakikitang nakatingin ako'y ngumingiti siya.
She's really beautiful. Marami na akong nakikitang magaganda lalo na sa unibersidad kung saan ako nagtapos pero iba ang hatak ng ganda niya. Hindi nakakasawa. Pag tinititigan, lalong gumaganda. Idagdag mo pa ang mahinhin at maingat niyang galaw.
"Uh, ang dami niyong magpipinsan, no? I'm sure you're very close with each other," muli kong pagsalita, takot na makapag-isip ako ng kung ano-ano tungkol sa kanya kapag nanatili ang katahimikan sa pagitan namin.
"Oo, lumaki kami nang sama-sama. Wala akong kapatid na babae. Kaming dalawa lang ni Nurjamin. Kaya tuwing naririto sila ay natutuwa ako nang sobra."
Gusto kong tumalon at palakpakan ang sarili dahil ito na ata ang pinakamahaba niyang sinabi mula noong magkausap kami.
"Nakakatuwa nga iyon! Wala akong kapatid at hindi ako gano'n kalapit sa mga pinsan ko."
Agad kong pinagsisihan ang sinabi. Napakagat-labi ako. Siguradong magtatanong siya tungkol sa pamilya namin dahil binuksan ko ang usapang pamilya! Pero imbes na magtanong ay iniba niya ang usapan.
"Alam mo ba, nakakatuwa kang kausap, Sayyana.." sinsero niyang sabi.
Nagulat ako at bahagyang tumawa. "Hindi ka ba naiinis? Ang ingay-ingay ko."
"Ayos lang."
Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil sa sinabi niya. Akala ko ay naiinis siya sa akin kaya ang tipid niyang sumagot pero dahil sa sinabi niya'y gumaan ang pakiramdam ko. Siguro ay natural na sa kanya ang pagiging tahimik.
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...