Chapter 11: Comeback
ZanashiHis arms around my waist.
His dangerous eyes.
His hot breath.
His biceps.
Putangina.
I shut my eyes tightly before shoving the five canned goods inside an eco bag. What the hell is happening with me right now?
"Huy," siko sa akin ni Iris. "Ayos ka lang? Kanina ka pa namumula, ah. Naiinitan ka?"
"A-ah, oo. Mainit."
But then, I asked myself once again. Sino nga ba ang may pakana ng lahat ng ito? Tumingin ako nang masama kay Iris. Hindi niya ito napansin dahil muli siyang tumingin sa ginagawa niya.
Siya ang may kasalanan nitong lahat! Kung hindi sana dahil sa mga walang kwenta niyang plano, hindi sana ako nagkakaganito ngayon!
Ano bang nangyayari sayo? Bulong ng sarili sa isip. Well.. naatake lang naman sa laban ng konti. Sobrang konti lang naman.
Kasabay ng paglagay ko ng iba pang relief goods sa eco bag ay ang pagdapo ng paningin ko kay Captain Salzano na kasalukuyang kausap si Lieutenant Travis.
He's holding papers in his one hand while his other hand was flipping it every now and then. His brows furrowed and his lips formed a grim line. Really, when did he show pleasant expressions anyway? Parang lagi ay aatake siya sa isang laban nang dahil sa lagi niyang nakakunot na noo, mapanganib na tingin, at ang labi niyang halos magmistulang isang linya. He was always like that. Pero mas madalas ang pagiging blangko ng mukha niya na para bang wala siyang pakialam sa lahat ng mga kausap niya.
I always hate that side of him. I mean, I hate everything about him! Pinakaayaw ko nga lang ang blangko niyang mukha. Mas naiinsulto ako kapag blangko niya akong tinitingnan kaysa tuwing tinitingnan niya ako gamit ang nang-iinsulto at nang-aasar niyang tingin.
Bumagsak ang tingin ko sa braso niya at pagkatapos ay sa katawan niya. His army green shirt hugged his body really well. It almost seemed like that shirt was made for him to wear, only for him.
"Argh!"
Ibinagsak ko ang canned goods na hawak kaya lumikha ito ng ingay. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Tayugan mo pa ang depensa mo, Sayyana! Hindi iyong isang lindol lang ay sira na agad!
Napatingin ako sa paligid. Ang mga ibang sundalo na siyang tumutulong sa pag-pack namin ng relief goods ay nakatingin na sa akin. Takang-taka sa ikinikilos ko. Even Iris elbowed me just to stop me from doing weird things in front of them.
"Ano bang problema mo?" bulong niya sa akin.
"Wala!"
Tumikhim siya at humingi ng paumanhin sa mga sundalo. Muling dumapo ang paningin ko kay Captain Salzano at Lieutenant Travis na seryoso pa ring nag-uusap hanggang ngayon. Seryoso pero bakas ang pagiging mahinahon sa mukha ngayon ni Lieutenant Travis, ibang-iba sa huli naming pagkikita.
"Sayyana.."
Napalingon ako kay Iris. "Oh?"
Imbes na sagutin ay ngumisi siya sa akin. Ang mata niya'y palipat-lipat sa akin at kay Captain Salzano. Tumingin muna siya sa paligid bago umusog ng sobrang lapit sa akin.
"Anong nangyari kanina?" mahina niyang bulong, takot na takot na may makarinig pero atat na atat ding malaman kung ano ang nangyari kaya hindi na nakapaghintay pa.
"Walang nangyari."
"Ows?"
I glared at her. "Bakit mo ba ako iniwan kanina? Alam mo bang.." hindi ko matuloy-tuloy ang balak kong sabihin.
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
Ficción GeneralAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...