Chapter 1: This Is How It Works
ZanashiLess than a minute after the alarm went off, a series of gunfire erupted in the area. Everything and everyone is in chaos. From time to time, I could hear gunshots, explosions not far from us, loud screams of armed men, cries of children, and shouts of women trapped in this war.
"Anong nangyayari?!" malakas na sigaw ng isang armadong lalaki na kakalabas lang mula sa isang bahay.
"Nilusob tayo ng mga sundalo!"
"Putanginang mga sundalo 'yan!"
"Bilisan mo dyan! Kailangan natin silang maharangan bago pa sila tuluyang makapasok!"
Humigpit ang hawak ko kay Mama. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Hindi man niya sabihin ngunit ramdam ko ang matinding takot niya ngayon na sinasabayan din ng kakaibang takot sa sistema ko.
"Bilisan mo!"
Halos madapa ako sa bilis ng paghila sa akin ni Mama. I looked back and saw dense smoke coming from the three explosions just outside our fence. Iniwas ko ang tingin dito at nanginginig na itinuon ang tingin sa daan. Pinilit kong wag lumingon sa likod pero parang may gustong gawin ang katawan ko. I seem to have forgotten something important that I couldn't name.
Muli akong tumingin sa likod at kasabay nito ay ang pagkakita ko sa papadaong na bomba malapit sa amin.
"Ma!"
I quickly pulled her to a boulder and hid behind it. Ipinaikot ko ang braso sa ulo ni Mama at sabay kaming yumuko. The earth shook and the screams and cries of people were drowned by a very powerful explosion.
I opened my eyes to check whether there are harmful objects falling on us, however, I was welcomed by something else. Napasigaw ako nang malakas at napakapit nang mahigpit kay Mama, feeling shocked and terrified.
Just beside me, it was as if an armed man has been thrown away, his eyes wide open, almost half of his body was dissolved, and he was bathed in his own blood. Pakiramdam ko'y nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa sobrang takot at kilabot.
"We need to keep moving, Sayyana!"
Nanginginig akong tumango at halos sabay kaming umangat sa likod ng bato. Bago tumakbo ay lumingon kaming dalawa sa likod para siguraduhing magiging maayos ang pag-alis namin. Naitakip ko na lang ang palad sa bibig ko nang makitang naglilipana ang mga katawang naliligo sa sariling dugo doon sa gilid ng bombang sumabog.
"Tara na!"
Hindi ko pinakinggan si Mama nang dumapo ang tingin ko sa isang armadong lalaking nakahiga hindi kalayuan sa amin. Putol ang kamay ngunit ang mata'y nakatingin sa akin.
"T-tulong.." he slowly said while stretching his other hand to me as if begging me to help him.
Isang malakas na hila ang nagpagising sa akin sa gulat. Paglingon ko'y sumalubong sa akin ang galit na galit na mukha ni Mama na mukhang binalikan pa ako dahil hindi ako agad sumunod sa kanya.
"Wag kang kukupad-kupad, Sayyana! Bilisan mong kumilos!"
Sinubukan niya akong hilain pero nagmatigas ako. Nagsalubong pa lalo ang kilay niya ngunit maya't maya ay napapalingon siya sa likod ko na para bang may inaabangan, ang mata'y nagsusumigaw ng kaba at takot.
"Let's help him!" namamaos kong sabi sabay lingon sa lalaking hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin at humihingi ng tulong.
"Hindi natin siya kaya, Sayyana! Tara na! Bago pa tayo abutan ng isa pang bomba!"
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...