Chapter 33

1.7K 142 46
                                    

Chapter 33: If Time Permits
Zanashi

"Death will surely chase me, Sayyana, no matter if I'm a soldier or not. Death is part of living. It's just that I chose to face death than run away from it."

Naalala ko ang sinabi niya sa akin noon. Sa totoo lang, noong unang beses naming mag-usap patungkol sa kamatayan at trabaho niya, gusto ko na agad maging makasarili. Pero nang makita ko ang matindi niyang pagmamahal sa kanyang trabaho, biglang nagbago ang isip ko.

Lahat ng tao ay nakakaranas ng pagkamatay. Kung talagang oras mo na, magtago ka man o tumakbo ka man, maaabutan ka pa rin nito. And he's right. It's just that he chose to be brave than to escape what's coming.

"Well, not that I support their decision but I somehow get their point.." Dalia said carefully. She looked like she was so scared to offend me. Gayunpaman ay nagpatuloy siya na para bang kailangang-kailangan ko itong marinig ngayon. 

"Personally speaking, alam ko kung saan nagmumula ang takot nila. My dad is a soldier as well, Sayyana. Though it was my pride to have a father who is very loyal to the nation, hindi pa rin maaalis ang takot na nararamdaman ko at ng Mama ko. Halos isang beses lang siyang umuwi sa loob ng isang taon dahil madalas, nakabase siya sa ibang lugar. Pag-alis niya, hindi namin alam kung makakabalik pa ba siya. Kapag may giyera, hindi namin alam kung makakauwi pa ba siya sa amin nang humihinga. It's very tough, you know."

"Sure it's tough, but if he's doing it for the nation, who am I to stop him and make him choose me?" kunot-noo kong sabi, ang isip ay naglalayag pa rin sa mga naging kasintahan ni Denver. Talagang pinapapili nila si Denver? "I'm scared for his life but I can't be that selfish. Mas kailangan siya ng mga tao."

Huminga nang malalim si Dalia. "Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi pa kayo mag-asawa, Sayyana. Kapag naging mag-asawa na kayo, doon tila magbabago ang iniisip mo. Mas gugustuhin mong maging maka-sarili. Doon mo mararamdaman na sobrang hirap kalaban ng taong bayan."

Tumingin ako sa tv kung saan patuloy pa rin ang pagbabalita. Magmula noong mahuli ang presidente ay napuno na ng AFFO ang balita. Iyong news channel na talagang nagbibingi-bingihan pagdating sa AFFO ay todo na ngayon kung  magbalita tungkol dito. Dahil ba wala na ang presidente? Dahil ba wala nang bayad? Dahil ba ngayon lang sila dinalaw ng takot at konsensya?

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kanila para gawin ang bagay na matagal na sana nilang ginagawa. Pero pinigilan ko na lang mainis dahil kahit papaano'y mas mabuti na ito. Kahit anomang rason ang mayroon sila, ang mahalaga'y naipapalabas na ang mga balita patungkol sa AFFO.

Imagine, ang daming namamatay at ang daming nagsasakripisyo ng buhay pero wala man lang kaalam-alam ang ibang tao tungkol dito? Bigla kong naalala ang araw kung kailan kami inatake ng AFFO.

"The day when we were attacked, ang daming sundalong nasawi. There were soldiers with us that were shot instantly, lying on the ground and on the military truck. Two AFFO members have used a soldier's body as their toy and began to kick it mercilessly. It was heartbreaking to see. It was a horrendous sight. Too disgusting. Ako nga lang, nasaktan na nang sobra, sila pa kayang ilang taon nang magkakakilala?"

Naalala ko ang sakit sa mukha ni Gomez nang makita niya ang ginagawang pagsipa ng mga miyembro ng AFFO sa kanilang kasamahan. Naalala ko ang lungkot sa mga mata ni Denver nang matagpuan namin si Gomez sa gubat, nakasandal sa puno at hindi na humihinga. Naalala ko ang pagkunot ng noo niya sa tuwing tinitingnan niya ang military dog tag ni Gomez, tila ba sakit na sakit sa ideyang mayroon na namang nawala sa kanila. Naalala ko ang gulat at sakit sa mukha nila Denver, Raygan, Lucas, at Jason nang malamang inatake ang mga kasamahan nila sa kampo.

"But they kept fighting, and fighting, and fighting not for themselves but for this nation," dugtong ko dahil kailanman, hindi ko sila nakitaan ng kagustuhang tumigil. Sa halip ay lalo pang umuusbong ang kagustuhan nilang protektahan ang mga tao sa bansa.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now