Chapter 13

1.9K 172 98
                                    

Chapter 13: Roman Aguilarma
Zanasahi

Another day, another headache. Another day, same problem. Kung hindi si Captain Salzano ang pinoproblema ko'y si Iris naman. Lalo siyang lumala mula noong malaman niyang wala ng chance ang plano niyang mukhang pinag-isipan niya nang mabuti.

"Paano na tayo nito? Paano tayo makakalaya? Goodness! Hindi ko kayang isipin na magtatagal tayo rito!" reklamo ni Iris habang palad-lakad sa harap ko. She was shaking her hands as if by doing this, another effective plan would pop up in her mind.

"Wag mo na lang isipin."

Umirap ako, sawang-sawa nang pakinggan ang mga sinasabi ni Iris. Alanganing lumapit sa amin si Jonathan, ang pinakamatangkad na batang naririto ngayon. Ang noo niya'y nakakunot at mukhang bahagyang natakot sa asal ni Iris. Siguro'y iniisip na naman niyang may mangyayari na namang masama.

"Teacher, may problema po ba kayo?"

Inilahad ko ang kamay ko at tinapik nang marahan ang ulo niya.

"As usual. Alam niyo naman ang Teacher Iris niyo. Araw-araw, problemado."

"Palibhasa ikaw, gustong-gusto mong mapalayo sa grupo! Malay ko ba kung gabi-gabi mong pinagdadasal na sana hindi na tayo makuha ng AFFO rito!

"Hindi naman."

Lalong nainis sa akin si Iris kaya hindi niya ako pinansin. Humiga siya sa kama niya at tinalikuran ako, talagang masama ang loob na hindi ko siya sineseryoso.

Sa totoo lang, alam ko ang pinagmumulan ng inis ni Iris. Gustong-gusto na niya talagang makaalis dito at makabalik sa grupo namin. Gusto ko rin naman pero may parte sa akin na nagsasabing mas nakakaramdam ako ng kapayapaan kung malayo ako sa kanila.

Pero gusto ko pa rin namang umuwi. Syempre, nando'n ang pamilya ko at mga taong kinalakihan ko. Sadyang hindi lang kasing tindi ng kagustuhan ni Iris. Parang ayoko pang makita ulit ang kakaibang paraan ng grupo namin. Ayokong bangungutin na naman sa mga kasamaang ginagawa nila.

Ang mga bata.. natututo na silang mangarap ngayon. Ayokong pag-uwi nila'y aagawin na naman ito ng mga magulang nila.

Dala siguro ng sama ng loob, kinabukasan, nang matapos ang trabaho namin sa cafeteria ay hindi na ako hinintay pa ni Iris. Nag-ayos pa kasi ako ng mga gamit sa kusina kaya medyo natagalan. Akala ko'y naghihintay siya sa labas pero paglabas ko'y wala na siya roon.

Ayos lang naman sa akin ang mag-isa kapag hindi naman talaga gano'n kadilim ang paligid. Tulad ngayon. Kahit gabi na ay may mga lampshade naman sa gilid kaya ayos lang. Hindi tulad sa solitary confinement na talagang madilim ang paligid. Nakakatakot.

Paliko na ako nang may makita na naman akong anyo ng tao sa may madilim na parte sa gilid ng daan, kung saan ko rin nakita si Lieutenat Travis dati. Nakatalikod siya sa akin at kung hindi ko lang siya nakita dati ay hindi ko iisiping siya ito dahil nga sobrang dilim ng paligid.

Natigilan ako sa paglalakad at tumingin ng diretso sa kaharap ni Lieutenant Travis. Wala akong nakikita sa sobrang dilim pero nasisiguro kong may tao doon, at nasisiguro kong nakatingin na rin siya sa akin ngayon.

Hindi ko na namalayan ang gustong gawin ng mga paa ko. Nalaman ko na lang na naglalakad na ako palapit sa kanila. May kutob na ako dati pa man. Nasisiguro kong tama ako.

"I already gave the list of casualties to Captain Salzano. It's in his office."

"Wag kang gagawa ng kahit na anong paraan para pagdudahan nila ang kilos mo, Vicente. Ipakita mong talaga ngang espiya ka nila."

Vicente?

"I certainly know what to do, Jamil. Mas lalo mo akong pinapahamak sa ginagawa mo. How many times do I have to tell you that you should stop coming here? Kampo ito ng mga sundalo, Jamil. Hindi kita sasaluhin kung mahuli ka rito."

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now