Chapter 39: Birth
ZanashiMy private obstetrician visited me three days before my due date. She just asked and reminded me a few things before she left. That was her second visit for the month.
We have decided to just deliver my first child in the hospital. Wala naman kasi sigurong makakakilala sa akin doon. I mean, hindi naman lahat ng tao ay kilala at hinahanap ako. Siguro sa pagkakataong ito ay AFFO lang ang mga naghahanap sa akin pero sa mga nangyari, mukhang hindi naman sila magpapalaboy-laboy lang kung saan-saan.
Denver's not into this idea. We had an argument about this and it's not just a simple argument. He wants me to give birth at home but I don't want it.
"Damn! It's for your safety, Sayyana! Hindi ko pa 'to nagagawan ng paraan pero sisiguraduhin kong maaayos ko ang buhay natin! Just.. just please, deliver our baby here? Give me enough time, please?"
Hindi ako pumayag sa gusto niya at nagmatigas sa gusto kong mangyari. He got mad at me because of that and didn't even sleep beside me that night. Habang nakahiga siya sa sofa, ang braso ay nakatakip sa kanyang mga mata, at ang balikat ay tumataas-baba na tila ba hindi pa rin siya kumakalma, nakatingin lang ako sa kanya.
Niyakap ko ang unan sa tabi ko at naluluha siyang pinagmasdan. Pumapait ang pakiramdam ko habang tinitingnan si Denver ngayon. Hindi pa siya nagalit sa akin nang ganito simula nang ikasal kaming dalawa. He was always considerate and he was always ready to understand me.
Ngayon, gusto kong siya naman ang intindihin ko pero hindi ko alam kung bakit talagang gusto kong sa hospital manganak. Parang hindi tamang dito ako manganak. Manganak na ako kahit saan, wag lang sa bahay na ito.
"Why does it have to be like this?" bulong ko sa sarili, ang luha ay dumausdos na pababa sa aking pisngi.
Why do we need to experience this? Why can't we have a normal life? Ano kayang mangyayari kapag may kalayaan kaming gawin ang gusto namin? Siguro sa mga araw na magkasama kami ni Denver, baka kung saan-saang lugar na kami pumasyal. Nakakasama sana ako sa pagbili ng mga damit at laruan ng anak namin.
Walang problema sa akin ang manatili sa bahay namin pero pakiramdam ko ay nahihirapan si Denver sa sitwasyon namin. Napapikit ako.
But then again, maybe this is part of our destiny. Kasi kung hindi ganito ang sitwasyon ko, ibig sabihin ay hindi si Denver ang makakatuluyan ko. We were meant to be with each other and we were meant to experience this together.
Isn't it amazing? Our life together is like an oxymoron. I'm his captive but I felt free when I'm with him. We met in a very unusual way, me as a terrorist and him as a soldier. But still, we found home in each other's arms. Bittersweet. Together, we're perfectly imperfect.
So maybe, all of these were already written in our story. We experienced this because this is our fate and I'm beyond grateful for that.
Sa kalagitnaan ng gabi, nagising na lang ako nang may maramdamang kamay na nakayakap sa akin. Gusto ko sana itong lingunin pero hindi ko na nagawa dahil sa mukhang nakasiksik sa leeg ko.
Napangiti ako. Oh really, Denver. One moment, he was mad at me and the next moment, he was already sleeping beside me and hugging me like there's no tomorrow. I adjusted my position just so I could hug him back.
"I love you so much," I whispered and softly pressed my lips against his.
Paggising ko kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Pikit-mata pa akong bumaba at gulo-gulo pa ang buhok ko. Pagpasok ko sa kusina ay naghahanda na siya ng pagkain. Sinuklay ko ang buhok gamit ang aking mga daliri at ngumiti nang matamis sa kanya.
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...