Chapter 34

1.7K 148 68
                                    

Chapter 34: Can't
Zanashi

Denver is a respected man both as the soldiers' captain and as a person himself. He's a one of a kind man. Though I told him hugging is allowed, he still limits himself. Can you imagine that? Mukhang gustong-gusto niyang yakapin ako pero pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili kahit na pinayagan ko na siyang gawin iyon.

Kung hindi ko pa siya yayakapin, with his permission of course, ay hindi rin talaga niya ako yayakapin. Pero sa oras na sinimulan ko siyang yakapin, halos ayaw na niyang humiwalay pa. Natatawa ako noong una pero nang maalala ang sinabi sa akin ni Dalia ay nalulungkot ako. Kaya naman, niyayakap ko rin siya nang mahigpit.

Nagiging maingat din siya sa paghawak sa akin. Hindi na niya kung saan-saan lang nalalapat ang palad niya. Hindi na niya ako hinahawakan sa binti at limitado na rin ang paghaplos niya sa tagiliran ko.

I appreciate the fact that though I've aleady given him permission to do such thing without going beyond his limitation, he is still very cautious about touching me. Can you actually believe it? Sa loob lamang ng maikling panahon, nakaya na niyang kontrolin ang kanyang sarili? Napailing ako at napangiti. Gustong-gusto ko talaga siya. Gustong-gusto.

"Hep! Touch move!" kinuha ko ang bishop na kakalapag pa lang niya sa chess board at nilagay ito sa palad niya, inuutusan siyang iyon ang ipagalaw dahil nga iyon ang hinawakan niya. "Touch move," muli kong paalala.

He smirked and stared at me as if I'm digging my own grave. "Alright. If you say so.."

Pinanood ko kung paano kainin ng bishop niya ang knight ko. Hindi pa niya tuluyang nailalapag ang knight na nakain ay hinawakan ko na siya sa palapulsuhan niya at tiningnan siya nang masama.

"Ibalik mo 'yan!"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Touch move, remember?"

"Siguro mas maganda kung hindi na natin i-apply ang touch move, tingin mo?"

"As far as I can remember, this is your fifth time of saying this," umiiling niyang wika, tila ba ipinapakitang dismayado siya sa maya't maya kong pagpapalit ng rules pero ang labi niya'y nakakurba at ang mata niya'y nakatingin sa akin nang may pagkatuwa.

Umirap na lang ako pero hindi na muling nagsalita pa kasi totoo naman. Ilang beses ko nang binago ang rules, lalo na kapag may nakakain siya sa chess piece ko. Pang ilang-ulit ko na siyang sinamaan ng tingin kapag may nakakain siya. Sa huli, naibabalik niya ito at itinataas ang dalawang kamay na tila ba sumusuko na siya.

Ibinalik niya ang knight sa chess board at binalik ang kanyang bishop sa dating pwesto nito. Napangiti ako nang ibang piece ang pinagalaw niya. Nang makita ang ngiti kong ito ay tinaasan niya ako ng kilay, ang malalim niyang mga mata ay namamangha akong tiningnan.

"What's this, Sayyana? Every move, change rules?"

"Ano ka ba naman, Denver," kunot-noo kong sabi, medyo napapahiya na. "Syempre beginner pa lang ako. You should be proud dahil nakakaya na kitang labanan kahit bago lang akong natuto."

"Yeah yeah," he shrugged his shoulder. "Kung sabagay, ang taong natutunugan na ang pagkatalo, gagawa at gagawa ng dahilan-"

"Ano? May sinasabi ka, Denver?"

"I mean, gagawa at gagawa nang paraan para manalo," pagtatama niya. That was supposed to be a compliment, right? Pero nang maisip ko ito nang paulit-ulit ay tumaas ng todo ang kilay ko.

"And what's that supposed to mean? Na mandaraya at mandaraya ako para manalo?"

He raised his brow and chuckled. "You're actually doing it, Sayyana. Why do you act like you're offended?"

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now