Chapter 2

2.4K 211 141
                                    

Chapter 2: Brutally Killed, Sir
Zanashi

"Sayyana!" isang pamilyar na boses ang nagpagising sa diwa ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at unang sumalubong sa akin ay ang duguang katawan ni Louis. I closed my eyes tightly and calmed myself down again. Tinapik ko ang dibdib ko bago nagtatakang tiningnan ang paligid.

There are no longer explosions inside the camp but I could still hear explosions coming from the entrance of our area, which is located kilometers away from here. Malayo ito sa mga gusali at kabahayan pero ang nakakapangilabot na tunog ng mga pagputok ay abot pa rin hanggang dito. Wala na ring nagtatakbuhang mga tao sa loob ng kampo, tanging mga nakahandusay lang na katawan ang natitira. All the buildings were completely destroyed.

Napahawak ako sa ulo ko. Anong nangyari? Nawalan ako ng malay? Ang makitang nasa ganitong estado ang kampo, nasisiguro kong matagal akong nawalan ng malay. Kung gayo'n, ilang oras? Ilang oras akong walang malay? Napapikit ako nang mariin at halos isumpa ang sarili. Ilang oras ang sinayang ko?! Ang mga bata.. nasaan na ang ibang mga bata?

Napatingin ako sa lalaking tumatakbo papunta sa akin habang ang baril ay alerto pa rin niyang hinahawakan.

"Kysler.."

Bago siya tuluyang huminto sa harap ko ay dumaan muna siya sa katawan ng isang sundalo, nilagay niya ang dalawang daliri sa bandang leeg nito para pakiramdaman ang pulso nito, at nang makitang wala na nga itong buhay ay nagpatuloy siya sa paglapit sa akin.

Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at tinulungan akong makatayo. Pagtayo ko'y ipinalibot ko ang braso sa kanya at tahimik na nagpasalamat dahil maliban sa mga konting sugat sa kamay at mukha niya, mukhang maayos naman ang kalagayan niya.

"Anong nangyari? Nasaan ang mga sundalo? Ayos na ba ang lahat?" sunod-sunod kong tanong kahit na alam kong hindi pa rin tapos ang giyera sa mga oras na ito.

Ang kagustuhan kong marinig na tapos na ang kaguluhang ito ay nag-uumapaw sa puntong kahit magsinungaling siya akin, tatanggapin ko nang buong-buo. Marinig lamang na ayos na ang lahat. Marinig lamang na tapos na ang lahat ng ito, kahit sa totoo'y hindi naman talaga.

"Nagawa naming maitulak ang mga sundalo sa entrada ng kampo. Konting oras na lang ang hinihintay bago sila muling makakapasok dito.."

Tumingin siya sa paligid. Huminto ang tingin niya sa isang armadong lalaking nakahandusay. Napapikit siya habang ang labi ay nagmistulang isang linya. Batay sa ekspresyon niya ay mukhang nakikilala niya ito.

"Masyado silang malakas. Hindi namin sila mapapantayan gayo'ng kulang na kulang kami ngayon. Wala ang karamihan sa mga kasamahan natin. Halos lahat ay nasa kabilang kampo at aabutin pa ng ilang oras bago nila tayo mabibigyan ng tulong."

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa sinabi niya. Alam kong karamihan sa mga armadong lalaki ay nasa kabilang kampo pero hindi ko akalaing talagang konti lang ang natitira rito. Lalo pang nakadagdag sa kaba ko ang malalalim niyang paghinga na para bang maging siya ay takot sa pwedeng kahinatnan nito.

Kababata ko si Kysler. Sabay kaming lumaki at pareho ang paniniwala namin. Siya lang ang nakinig at naniwala sa akin noong sinabi kong hindi tama ang ginagawa ng grupo namin. Siya lang ang tanging natauhan. Simula noon ay nagdalawang-isip na siyang tanggapin ang mga misyong ibinibigay sa kanya pero dahil nasa mataas na ranko ang mga magulang niya sa organisasyong ito, wala siyang ibang magawa kundi gawin ang mga gusto nila.

Alam namin dalawa na mali ang ginagawa namin pero tuta lang kami ng mga magulang namin, sunod-sunuran. Kung saan sila, doon dapat kami. Kahit na mali. Maling-mali.

Sa kabila ng sapilitang pagsunod sa kanyang mga magulang ay hindi ko siya kailanman nakitaan ng takot. Kaya ang makita siyang ganito, takot na takot at kabadong-kabado, ay lalo pang nagpabigat sa loob ko.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now